Chapter 46

94 11 5
                                    

Rain POV

Alas mag pahinga muna kayo. si uno na sigurado akong napapagod na kakasalita.

May nag hihintay sa akin uno. sagot ko

Kumaen muna po kayo hindi nga po kayo makalakad ng maayos. sabe niya kaya tiningnan ko siya ng diretso

Sabe ko nga po tatahimik na ko. umupo lang siya sa tabi ko at binabantayan ang kilos ko

Kakaen ako konti lang dahil hindi ko pwedeng biglain ang tiyan ko. sabe ko at kinuha niya ko ng pagkaen.

Nakalimang subo lang ako sa kinakaen ko at uminom na ko ng tubig sobrang uhaw na uhaw ako at nang hihina pa ko pero kailangan kong makarating doon ng alas kwatro.

Napalingon ako kay uno dahil may umiilaw sa bulsa niya. Alas yung cellphone niyo po may tumatawag po. ibinigay niya sa akin kaya sinagot ko ang tawag ni leo.

Leigh..... hinihingal na pagbanggit niya sa pangalan ko

Bakit? tanong ko

May sumusunod sa akin hindi ko matukoy kung sino pero parang kapareho nito yung postura at tindig ng lalaking nag bato ng base ball bat kay achilles. hinihingal na sabe niya

Nasan ka? tanong ko

Medyo malapit sa Rial mall sorry leigh masakit ang ulo ko kaya hindi ko alam kung makakaya kong labanan to kung sakaling sugurin ako pero mukang hindi naman sila basta susugod dahil may mga tao dito. aniya

Pumasok ka sa mall pupuntahan kita. sabe ko at tumayo na ko agad sa kinauupuan ko.

A--alas.... alas naman akala ko ba mamaya pang 3:30 pm alis mo? Young Lady mag pahinga ka po muna. pangungulet ni uno

Maiwan ka dito uno ikaw na lamang mag paliwanag kung hanapin ako ng mga kapatid ko. matapos ko sabihin yon tumakbo na ko palabas napahinto pa ko sa may hallway dahil biglang nanlambot ang tuhod ko pero tumayo din ako agad dahil kailangan ako ni leo.

Kent POV

Pagkalabas ko sa Rooftop cafe bigla akong napahawak sa pinto dahil bigla akong nahilo medyo masama din kase ang pakiramdam ko akala ko ay magiging ok kung sakaling makahigop ako ng mainit na kape.

Nahihilo man pero malakas pa rin ang pakiramdam ko parang may nakatingin sa akin nakita ko siya sa may peripheral view ko pero di ko pinapahalata na napapansin ko ang presensya niya. Kailangan kong tawagan si leigh hindi ako nagkakamali parehong pareho sila ng tindig ng lalaking nakita kong nag bato ng base ball bat kay achilles.

Aaahh....shit... napahawak ako sa gilid ng ulo ko bakit ngayon pa to sumumpong wala masyadong tao sa kalsadang dinaraanan ko wrong timing naman at iniwan ko ang kotse ko dahil pinalinisan ko to.

Pag humihinto ako hindi rin lumalakad yung taong sumusunod sa akin ano naman kayang kailangan niya sa akin. Umupo ako saglit sa bench dito sa waiting area ng bus isang kanto na lang malapit na ko sa mall sabe ni leigh doon ako mag punta sana hindi kame magkasalisihan.

Nagsindi ng sigarilyo yung lalaki hindi ko pa rin pinapahalata na napapansin ko siyang sumusunod ayoko rin ipahalata na masakit ang ulo ko ayokong isipin niya na mahina ako at kaya niya kong patumbahin ngayon tss asa Avilez at De Ocampo ang dumadaloy sa dugo ko ayokong ipahiya ang pinagmulan ko act cool lang kahit masakit ang ulo Kent Leo. Kahit minuto lang ang pahinga ko ok na yun kailangan ko makarating sa Rial Mall.

Naglalakad na ko ulet may mga ilan akong nakakasalubong na tao kaya hindi pa ko inaatake ng tarantadong to hindi ko alam kung mag isa lang siya o may kasama siya pero siya lang ang nakikita kong sumusunod sa akin.

SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon