Alam niyo yung sana?
Sana mahanap ko na siya
Sana sa muling pag sugal ko sa pag ibig ipanalo na ko ng taong mahal ko
Sana siya na
Sana hindi na sa maling tao
Napakabata ko pa daw para problemahin ang pag-ibig, Oo tama sila inosente pa nga ako per...
Nasa tapat kame ng classroom nakatambay dahil wala pa yung prof. namin. Nakita ko sila ash na paparating at kasama sila riri. Napatitig ako sa kanya napakaganda niya huminto ito at lumingon saglit sa kabilang building hawak ko ang cp ko at palihim ko siyang kinuhaan ng litrato.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nakangiti akong nakatitig sa perpektong imahe na nasa harapan ko. "set as wallpaper"
Hoy ano yan bakit pangiti ngiti ka par patingin nga. mabilis na nilagay ko ang cp ko sa bulsa ko muntik na mahablot ni juno
Wala yon may nabasa lang ako nakakatawa. palusot ko
Tara na pasok na tayo. Dumaan kame sa harap nila ash na malapit na sa pinto ng room namin hindi ako lumingon nahihiya pa rin ako at tinatraydor ako ngayon ng puso ko dahil ang bilis ng tibok nito.
Rain POV
Dumaan sa harap namin sila achilles at ngumiti samin sila juno at kev pero etong isang to diretsong naglakad papasok at hindi namamansin.
Nasa loob na kame ng room at dumating na si Sir Sales tumayo kameng lahat at bumati.
Class meron tayong long quiz ngayon remember? maraming ayaw mag quiz itsura pa lang nila ngayon halatang mga di nakapag review.
Pag natapos kayo agad maari na kayong lumabas dahil may importanteng seminar akong pupuntahan tandaan niyo ang quiz na ito ay mahalaga dahil hindi ako makakapag lesson ngayon dito ko na rin ibabase yung grade niyo sa recitation kung bagsak sa quiz bagsak ka din sa recitation. puro mga naluging muka ang makikita mo sa section emerald.
Cashmere POV
Kasalukuyang sinasagutan ko ang long quiz namin na 30 items bakit parang exam na to napatingin ako sa studyanteng naglalakad papunta sa harapan si rain tapos na siya tumingin si Sir Sales sa papel ni rain at sa reaction niya alam ko na agad ang ibig sabihin non tumingin ako sa relo ko 15 mins pa lang ang nakakalipas natapos niya agad perfect nanaman siguro base pa lang sa reaction ni Sir napasmirk na lang ako wala naman bago dun pati sa pag-aaral ay halimaw yan.
Ilang minuto pa ang lumipas at tumayo na rin ako dahil ako ang pangalawang halimaw. Bago lumabas tumingin ako kila riri muka silang nalugi hindi siguro nakapag review.
Naglalakad ako habang nagtetext sa hallway at hinahanap si rain. Nang magreply siya dumiretso na ako agad sa cafeteria.
Pwede ba lumayo ka kila achilles kayo ng basura mong kaibigan ako lang ang nagiisang babae dito sa campus ang pwedeng lumapit sa kanila. ano ba tong sheena na ito gutom ako ngayon at wala kong gana makipag away akala mo mauubusan ng lalaki.
Lumingon saken si dirt at nagsmirk tinaasan ko lang siya ng kilay at itong sheena na to hindi pinapansin ni rain kumakaen lang siya ng spaghetti asa kang sumagot sayo yan at wag mo ng hilingin na sumagot yan maasar ka lang.