Chapter 33

79 5 8
                                    

Renze POV

Mag mula ngayon pag ka uwe mo galing sa eskwelahan mag eensayo kana naiintindihan mo ba renze? tanong ni lolo sa itsura niya ngayon hindi ako pwede humindi sa utos niya.

Kailangan mong mag sanay kailangan mo ng disiplina naiintindihan mo ba? muling tanong nito sa akin

Opo Lolo. sagot ko

Ang batang yon ang nagligtas sa atin kaya nabubuhay ka pa hindi ba't sinabe mo sa akin noon na gagalingan mo sa pag eensayo? marunong ka nakita ko ang mga galaw mo pero anong nangyari at bakit mas inuna mo pang magbulakbol sa eskwelahan hindi ka daw pumapasok sa ibang klase mo. hindi ko alam isasagot kay Lolo dahil pag ganitong galit siya walang sinumang gugustuhing magkamali sa isasagot sa kanya siya ang Pinuno ng Red Tiger Mafia sinong hindi matatakot sa kanya ang Lolo ko ay walang kinakatakutan maliban na lamang sa Alas wala dito ang alas sa teritoryo namin kaya walang kinakatakutan ang Lolo ko sa mga oras na to lahat kame ay hindi niya papalampasin.

Ikinahihiya ko ang ginawa mo na pati mismo ang Alas ay nakita ito. dagdag pa ni lolo kulang na lang hilingin kong kainin na lang ng lupa narinig kase ni lolo ang usapan namin ng mga kaibigan ko tungkol sa nangyari sa laro namin ng basketball sa Sylance tinawagan din niya si coach para kumpirmahin ito.

Umalis na si Lolo dito sa kwarto ko nakatingin ako ngayon sa salamin pinipigilan kong tumulo ang luha ko matagal kong hinintay na makita ang Alas tapos sa ganitong sitwasyon ko pa siya nakita wala akong mukang ihaharap sa kanya pagkatapos ng mga sinabe ko sa kanya.

Pumasok si mommy sa loob ng kwarto ko at inakbayan ako. Wag ka ng malungkot anak pag pasensyahan mo na ang Lolo mo.

Sorry mommy nagalit nanaman si Lolo sa akin. sabe ko

Wag ka sa akin mag sorry hindi ba't dapat sa Alas at sa Lolo mo? hindi naman magagalit ang lolo mo kung wala kang ginawang masama. sabe ni mommy hindi ko naman alam kung paano ako hihingi ng tawad sa Alas. hindi ako nakasagot kay mommy.

Nakita mo siya anak? nakatakip daw lagi ang muka nito? ano kaya ang kanyang itsura gusto ko rin magpasalamat sa kanya.

Maganda siya mommy. sabe ko

Talaga? nakakamangha talaga ang batang iyon naaalala ko pa noon nung isinisilang ko ang kapatid mo may mga armadong lalaking nanggugulo sa ospital ng lolo mo ang mga walanghiyang Daican na yon dahil nahuli sila ng Lolo mo dati na nagtatangkang siraan ang ospital na pag mamay ari niya buti na lamang ay naaksyunan agad iyon ng Mafia Uno kaya simula nun ay nagalit na ang daican sa atin at nagsimula na silang manggulo sa buhay natin. Nakatingin ako kay mommy habang binabalikan niya ang nakaraan.

Natatandaan mo ba iyon anak? tanong nito sa akin

Opo mommy yung araw na nanganganak ka eh yung araw na nilusob nila ang mansyon nasa ospital kayo ako lang ang naiwan sa mansyon kasama ang mga bantay madaling araw na yon ng magising ako dahil sa mga naririnig kong ingay sa labas ng kwarto ko anim na taong gulang ako noon itinuro niyo sa akin na wag ako lalabas at pipindutin ko agad ang alarm button sa ilalim ng study table ko para maalarma ang mga bantay umiiyak pa nga ko habang tumatawag kay daddy timing pa na kakatapos lang ng birthday ni dad kaya mga pagod at lasing mga tauhan natin noon kaya hindi sila agad nakalaban ng maayos.

Narinig ko sa daddy mo na umiiyak ka daw kaya hindi ko alam kung iire ba ko o hindi. natatawang sabe ni mommy

May kumakatok nga noon sa kwarto ko hindi ko binubuksan nagulat na lang ako nung pumasok yung batang babae sa bintana at sinigawan ako nakakatawa nga siya mommy para siyang matanda na kung magsalita.

SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon