Rain POV
Nagising ako ng maaga dahil maaga din ako nakatulog lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si cash hindi niya ko pinapansin nalaman na niya kaya yung nangyari kahapon.
May almusal ka na diyan aalis lang ako may pupuntahan. sabe niya ng hindi man lang ako tinitingnan.
Linggo ngayon walang pasok ano naman kayang gagawin ko matulog na lang kaya ako ulet para hindi ko na sila naiisip si kev nung hinatid niya ko di rin umiimik sila tala hindi na rin nagsalita nung nakita nila yung picture hays itutulog ko na lang to.
Kinaumagahan nagising ako ng 6am masyadong maaga pa dahil 8am pa ang pasok ko umorder lang ako ng pancake para sa amin ni cash hindi kase ako marunong magluto matapos kong kumaen nag iwan lang ako ng note kay cash na maaga akong papasok dahil alam ko rin namang hindi niya ko papansinin ngayong araw.
Masyado pang maaga kaya nagpunta muna ko sa library at naghanap ng libro na babasahin ko para tumakas sa mundong to nakakastress kase kung iisipin ko pa sila.
Napalingon ako sa lalaking tumabi sa akin. ang seryoso mo naman magbasa. sabe niya
Kev? hindi ka galit sa akin? tanong ko
Hindi may tiwala ako sayo nasasaktan ako para sa kaibigan ko pero sa lahat ng katangian mo na itinuro sa akin ni deathnote alam kong hindi ka ganun gaya ng sinasabe ni sheena. sabe ni kev natuwa naman ako at kahit papaano ay may nagtitiwala sa akin.
Salamat kev at nauunawaan mo ako. sabe ko
Alam kong may pinoprotektahan ka kaya hindi mo maipaliwanag sa amin sa ngayon. dagdag niya at nginitian ko lang siya.
Si Aakil miyembro siya ng Mafia Uno sabe sa akin ni deathnote kaya nauunawan kita wag ka ng malungkot Alas nandito pa naman ako handang umintindi sa magulong mundo ng Mafia. Kinindatan niya ko at sumenyas ako na wag siyang maingay baka mapalabas pa kame dito sa library.
Sa isang oras na paghihintay namin para sa unang klase sinamahan ako ni kev sa library at nagbasa rin siya ng libro. Matapos ang isang oras na yon sabay kameng pumasok sa classroom nakatingin sa amin ang lahat hindi ko na lamang sila pinansin dumiretso agad ako sa upuan ko.
Matapos ang tatlong subject namin ay vacant na wala kong kasabay dahil tinawag ni Sir Sales si kai at kev silang dalawa lang ang kumakausap sa akin kaya no choice ako at lumabas mag isa sa classroom.
Naghahanap ako ng upuan sa cafeteria nagulat ako ng may magbuhos ng coke sa ulo ko paglingon ko si sheena at kasama niya si achilles sila cash naman ay nasa cashier nakapila at nakatingin lang sa amin.
Hi bitch. sabe ni sheena sa akin pero hindi ko pinansin aalis na ko pero hinatak niya ko
Oh teka bakit umaalis ka mag usap muna tayo. nilingon ko si sheena at nakaakbay sa kanya si achilles.
Wala tayong dapat pag usapan at hindi tayo close para mag usap. sabe ko itinulak niya ko pero hindi ako tumumba kaya hinawakan ko yung kamay niya hindi ko masyadong hinigpitan wala kong balak saktan siya gusto ko lang takutin.
Umalis ka na habang kalmado pa ko. hinawakan ni achilles ang kamay ko
Bitawan mo siya. sabe niya sa akin at pabalibag na inalis ang kamay ko kay sheena hindi ko alam pero nasasaktan ako sa paraan ng pagtrato sa akin ni achilles gusto ko ng umalis dito ayoko magpakita ng emosyon.
Ngumisi lang ako sa kanila tatalikod na sana ko kaso binuhusan ako ulet ng alipores ni sheena. Ipinikit ko ang aking mga mata nagtitimpi ako ayokong manakit ng babae.
BINABASA MO ANG
SANA
RandomAlam niyo yung sana? Sana mahanap ko na siya Sana sa muling pag sugal ko sa pag ibig ipanalo na ko ng taong mahal ko Sana siya na Sana hindi na sa maling tao Napakabata ko pa daw para problemahin ang pag-ibig, Oo tama sila inosente pa nga ako per...