Chapter 21

56 7 3
                                    

Juno POV

Sabay kameng napalingon ni kev nang pumasok si achilles sa kwarto na tutulugan namin dito sa bahay bakasyunan nila tala.

Wazup par? smiling face huh? si kev

Ano par nagustahan ba ni ash? tanong ko sa lalaking to base sa kanyang ngitian mukang nagustuhan naman ni ash ang date nila.

Nagustuhan niya par salamat sa inyo. masayang sabe niya

Kwentuhan mo nga kame anong nangyare?

Pumayag siya manligaw ako gagalingan ko talaga par. sabe niya at nag pogi sign pa

Ano sabe mo? tanong ni kev

Sabe ko susugal ako tang ina bahala ng masaktan ulet gusto ko talaga siya. natatawang sabe niya

Ok lang yan par di mo malalaman kung di mo susubukan tama yang sumugal ka sa pag ibig blessing kung panalo red horse kung talo. binatukan niya ko at sabay sabay kameng natawa.

Baka di ka makatulog niyan par. sabe ko

Baka nga masarap tulog ko ngayon eh. in love talaga ang gago pangiti ngiti pang parang aso.

Kevin POV

Natulog na yung dalawa pero ako gising pa namamahay ako im not sanay i miss my room. lumabas muna ko at nagpahangin at nakita ko si uno nilingon niya ako at yumuko siya sa aking harapan

Young Master bakit gising pa kayo? tanong niya pero naguguluhan ako bakit kilala niya ko?

Alam mo? tanong ko

Yes Young Master. magalang na sagot niya

Anong Mafia ang kinabibilangan mo? tanong ko

Mafia Uno. sagot niya

Galing ka sa Pinakamataas na Mafia? Teka Uno? parang narinig ko na ang pangalan na yan... nag isip ako at pilit inaalala. Alam ko na Uno? wag mong sabihing.....Are you the Pinakamataas na Punong bantay?

Ako nga po Young Master. magalang na sagot niya

Wow lagi kitang naririnig sa mga bantay ilan taon ka na? tanong ko

20 years old po. sagot niya

Wow hindi talaga basta basta ang miyembro ng Mafia Uno matanda ka lang sa akin ng limang taon pero napakagaling mong lumaban. namamanghang sabe ko.

Nakalaban mo na ba si alas? Natalo mo ba siya? nakita ko kung pano mo labanan si deathnote magaling ka. hininaan ko lang ang boses ko nang banggitin ko yung code name ni ash curious ako eh magaling si uno nakita ko siyang lumaban baka sakaling natalo na niya si ash.

Young Master sa totoo lang na una kong sinanay makipaglaban samantalang natutong lumaban ang Alas sa edad na limang taong gulang at ako ay sampung taong gulang na noon at mas higit na mataas ang aking laki sa kanya naaalala ko noon hanggang dibdib ko lang ang Alas pero maniwala ka man o hindi natalo niya ko ni hindi ko man lang siya nasugatan kahit isang beses.

Talaga? ganun siya kagaling? Wow! namamanghang sabe ko

Ang pagdating niya sa pamilyang Imperial ay hindi inaasahan dahil simula noon walang babaeng Imperial maliban na lamang sa mga napapangasawa nila dahil awtomatikong nagiging Imperial ang mga ito kapag kinasal na sila pero walang naging anak na babae ang mga Imperial at hindi rin inaasahan na sa edad niyang yon ay makakapasa siya sa ensayo.

Grabe iba talaga yung kaibigan kong yon kakaiba.

Alam po ba ng mga kaibigan niyo na galing ka sa Mafia? tanong niya

SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon