Kiara's POV
"Kiara! Wait lang."
"Bakit po ma'am?" Tanong ko. Kakatapos lang kasi ng PE namin. Medyo pawisan pa ko at mag papalit pa ulit ng uniform dahil may next class pa ko.
"Tara, may sasabihin lang ako sa'yo." Sabi ni ma'am. So lumapit na ko at pumasok kami sa room. Pinalabas muna n'ya yung mga nasa loob then sinara n'ya yung pinto.
Medyo kinakabahan naman ako dito kay ma'am. Humarap ako kay ma'am na medyo kabado takte!
"Ano.. May boyfriend ka?" (0___0)???
"Wala po ma'am hehe." Kinakabahang sagot ko. Gara naman ng tanong ni ma'am hahahahaha! Aliw!
"Ano sa tingin mo si Dariel?"
Eh???
"Dariel po?" Tanong ko. Tumango naman si ma'am.
"Kaibigan po."
"Ayaw mo sa kanya?"
"Hindi naman po sa ganun. Ano lang po ma'am... Hmm ayaw ko pa lang po."
"Panong ayaw mo palang? Ayaw mo pa mag boyfriend ganun?"
"Opo hehe. Mag aaral po muna ako." Kinakabahang sagot ko. Ano ba 'to? Interview? Hahahaha!
"Alam mo, sa una ganyan talaga. Ako rin nung una ayaw ko pero tignan mo ngayon, kami na." Ehh??
"Hindi kita pipilitin pero gusto ka talaga ni Dariel. Darating din yung panahon na magugustuhan mo s'ya. Promise! Trust me! Wala naman masama mag risk."
"Opo hehehe." Sabi ko nalang. Nakakahiya!!!
"Sige na. Huwag mo sabihin kay Dariel na kinausap kita ah."
"Opo. Una na po ako."
"Sige, thank you!" Ngumiti at tumango nalang ako kay ma'am. Ano bang conversation yonnn! Wala nga akong alam don. Malandi ako sa wattpad at kdrama pero hindi sa real life. Jusko po!
Asan na ba sila Alizza? Hindi naman malaki ang school namin. Didiretso na sana ako sa canteen kaso amoy pawis talaga ako kaya mag papalit muna ako ng uniform.
Sakto naman ang tao sa cr ay sila franchesca, alizza, carmella at jay.
"Saan ka galing Hopia?" Tanong ni carmella.
"D'yan lang kay mam may sinabi lang hehe." Nang lumabas si Alizza sa isang cubicle at agad rin akong pumasok. Bali tatlo lang kasi ang cubicle dito, yung isa sarado pa hahahahaha pasensya ka na lods, hindi tayo rich.
"Gusto ko nung sopas." Nakasimangot kong sambit. Nasa room na kasi kami, di na kami nakapunta sa canteen since mag titime na. Ayaw rin naman namin malate.
"Gaga ka, parating na si ma'am. Ngayon ka pa nag hanap ng sopas."
"Sige na carmellaaaaa~~" tatayo na sana sya para samahan ako nang dumating si Prof. Ryl, kaya napasimangot ako. Kailan kaya malelate tong si ma'am huhu
Nagugutom na 'ko, di ako gaano nakinig pero syempre mag babasa pa rin ako ng notes galing kila Alizza, palagi namang may quiz dito after mag report. Oh! Minsan lang ako di makinig, nagugutom lang talaga ako ngayon kaya di ako makapag focus. Ikaw ba naman hindi mag umagahan, tapos PE agad ang unang subject. Paguran pa!
"Nagugutom na 'ko mga daiiiiiii~~(T_T)"
"Saan tayo kakain?"
"Sa canteen nalang huhu wala na 'kong lakas para lumabas pa ng campus (T_T)."
"Tara na nga, kaawa-awa naman 'tong isa oh hahahahahaha!"
"Brpppp~~~~" dighay ko at tsaka tumayo. Grabe busog ako don ah! Hindi man kasing sarap ng luto ni mama ang mga pag kain dito, mapag tyatyagaan naman. Nabusog nga ako e hahahahaha
BINABASA MO ANG
The Last Sweetest Desire
Teen FictionA story full of happiness and contentment. A woman who fall in love unexpectedly... How can she control the emotion she has to fulfill this sweetest desire that most of us wants?