Chapter 4
"Ang sama talaga ng ugali nito." Nakasimangot na sabi ko kay dariel.
"Oh bakit? Hahahahahahaha sabi ko lang wag ka na kumain kasi mag time na."
*Pout*
"Saglit lang eh! Bibili lang naman tayo turon hehehe ayaw mo ko samahan???"sabi ko at hindi na hinintay ang isasagot n'ya. Hinanap ko si psychelyn dahil s'ya lang ang siguradong sasama sa'kin.
"Psychelyn!!! Samahan mo ko, mabilis lang promise!! Hindi tayo malelate. Ako bahala." Sabi ko at kinindatan s'ya, alam na n'ya ibig sabihin non Hahaahahahahhahaha
"Boss talaga 'to hahahahahaha! Tara! Tara! Kuya kody! Sama ka?"
"Saan kayo pupunta?"
"Sa canteen, bibili daw si Kiara." Hindi na nag salita si kuya kody at kusa nalang sumama. Bwisit na Dariel yon, ayaw ako samahan.
"Hoy! Wait lang!" Pigil ni dariel sa amin. (-_-)
"Oh bakit? Mag papabili ka? Manigas ka dyan bleh!" Sabi ko at tinalikuran na s'ya hatak sila kuya kody at psychelyn.
"Wait lang nga! Sasama na ko hahahahaha" bwisit to. Ayaw lang ata ako kasama kaya hindi pumapayag kanina (-_-)
"Sama din kami!!!" Orayt!!! Sasama naman pala sila lahat (-_-) sana nakibili nalang ako.
"Eto po yung bayad, isang turon po tsaka roya----"
"Bawal sayo yun Kiara. Huwag kang makulit, mag tubig ka."
*Pout*
Tinignan ko lang si Dariel habang bumibili rin s'ya. Bumili sya sandwich tsaka water.
"Ano po ba?" Napatingin ako kay ateng nag titinda, inaantay nya pala yung sasabihin ko hahahahaha sorry naman.
"Yakult nalang ate, bukas nalang po ako mag royal hehehehe."
Pag katapos namin bumili bumalik na rin kami sa room. Mahirap na at si Coach Anzai ang prof namin hahahahahahha malupit sa attendance.
Lumipas ang tatlong oras, natapos rin ang klase.
"Carmella pa'no pala yung sa garden na'tin? Thursday na bukas, 11 pala pasok na'tin." Tanong ko habang nag aayos ng gamit.
"Hindi ko nga rin alam. Kailangan na'tin ng halaman e, tanong ko kay mama kung saan s'ya bumibili ng halaman tsaka lupa." Sagot naman n'ya. Well, may gardening kami hahahahahahaha
"Gusto mo Carmella punta tayo sa bayan? Tingin tayo halaman tsaka paso." Suggest ni Dariel.
"Tara, samahan mo 'ko."
At ayun nga natuloy silang dalawa hindi ko lang alam kung kasama si Psychelyn at Franchesca. Diretso uwi na ko dahil nawawala ako sa mood hahahahahaha baka mag sungit lang ako sa kanila.
Coffee time!!! Andito na 'ko sa bahay, parang pagod na pagod ako kahit sa totoo lang wala naman kami masyado ginawa. Napagod ako kakadaldal hahahahahahahaha
"Kei!! Mag saing ka na!" Rinig kong sigaw ng aking ina. Hayst sana hindi rin ako ang mag luto ng ulam.
Nakakatamad kumilos, bukod sa sobrang init parang pagod na pagod pa yung katawan ko.
Kinabukasan nagising ako dahil sa init, takte anong oras na ba? Kinuha ko agad yung phone sa maliit na lamesa malapit sa'kin.
OMG!!! 7:48AM naaaaa????!!!
Napabalikwas agad ako dahil 8AM ang pasok ko!!! Ghadddd nag alarm naman ako bakit walang tumunog??? Taksil talaga 'tong phone ko letche! Nag aalarm sa madaling araw amputek!
Madaliang ligo lang ang ginawa ko at mabilisang bihis, nag pulbo at liptint lang ako dahil wala na 'kong time!! Sa tricycle na rin ako nag suklay lechugas!
Habang nasa tricycle kinuha ko yung phone ko at nag chat sa group chat namin.
"Andyan na si ma'am??"
"Wala pa, dalian mo!"
Letche!!letche!!
Pagkabayad ko kay kuyang driver nakita ko yung prof ko kakababa lang rin sa tricycle! Ohmyghad! Hindi ako pwedeng makita nito!
Habang nag babayad yung prof. ko nag madali akong dumaan sa gilid nya. At syempre madaliang lakad rin takte!
"ID mo po?" Tumingin agad ako kay kuyang guard na humarang sa'kin.
Letche! Naka ID naman ako ah? Hindi ba kita??
"Eto po hehe"
Pagkasabi ko ay dumiretso na ko ng pasok buti nalang at malapit lang room namin, siguro ay pupunta muna yung prof namin sa faculty bago pumunta sa room.
Thank god! Nauna ako kay mam hahahaha
Buong klase nag kwentuhan lang kami e, pare-pareho kaming maraming kwento hahahaha. Ang kapal ng mukha ni Dariel ang dami na palang naging ex girlfriend.
"E bakit kayo nag break nung sineryoso mong girlfriend?"
"Hindi ko rin alam eh. Ang dami kasi talagang lumapit sa'kin, hindi rin naman ako sanay mang reject kaya kahit hindi ko type pinapatulan ko hahaha."
"Ang kapal ng mukha nito hindi naman pogi."
"Hoi ang pogi ko kaya tsaka dati lang yun ngayon loyal na ko hahahahaha!" Sabi nya at nag pogi post pa. Yakkkkkkkk
"Iwww! Kaderder ha?"
"Eh yung huli? Hindi mo sineryoso?"
"Hindi ko masabing oo pero hindi ko rin masabing hindi. Hahahahaha! Basta ang dahilan no'n nag karoon sya ng iba hahahaha ang pogi ko para lokohin ako. Tapos nga nakipag kita sa'kin nung nakaraan yon ang dating, parang ako may kasalanan kung bakit kami nag hiwalay hahahahaha ang korni nya."
"Tay tayo d'yan baka gusto makipag balikan?"
"Wag na uy hahahaha! May iba na 'kong gusto."
"Ayieee binata na hahahahaha, totoo na ba yan? Pakilala mo sa'kin ha? Or kilala ko na?"
"Sikret, ako lang may alam hahahahaha!"
"Letche ka! Malalaman ko rin yan! Makire ka talaga."
"Porket wala ka pang nagiging ex hahahahahaha!"
"Weeeeeh epal na."
"Hahahahahaha!"
Clarenze's POV
"Bro! Ano nang ganap?" Bungad ko agad nang makita ko si Dariel palapit sa akin.
"Wala hahaha!"
"Ano na ganap dun sa crush mo?"
"Ulul! Hahahaha crush ko lang yon pero hindi ko liligawan yun."
"Awit hahahaha! Wag ganyan pare baka kainin mo yang sinasabi mo."
"Wag ka nga magulo, basta wala akong balak ligawan yon. Mawawala rin 'to."
"Ikaw rin."
"Sa inyo ba ni Aira? Ganap?"
"Ganun pa rin hahahahaha"
"Para kayong tanga, umamin na kasi kayo sa isa't isa tss. Relationship ang pinapatagal hindi kalandian ha?"
"Pakyu! Hindi naman kami nag lalandian, nag mamahalan kami. Palibhasa hindi ka mahal hahahahahaha!"
"Gago! D'yan ka na nga nabwibwisit lang ako sa mukha mo!" Sabi n'ya at nag lakad na palabas ng room namin.
"Awts gege! Ganyan ka na hahahaha ingat!" Gagong yon, wala raw balak ligawan! Hahahaha pano kaya sya mapapansin non. Engot rin eh! Tsk tsk
Nag sabi s'ya sa'min na may crush nga daw syang kaklase nya. Hindi nauubusan ng babae yon, babae kasi ang lumalapit sa kanya. Hindi rin sanay mang ligaw dahil wala naman syang niligawan sa mga naging ex n'ya. Award no? Ang daming ex pero walang niligawan.
-------------------
The story's settings and characters are all based on my own experience and imagination.Please do not expect too much.
Thank you! Godbless :)
BINABASA MO ANG
The Last Sweetest Desire
TienerfictieA story full of happiness and contentment. A woman who fall in love unexpectedly... How can she control the emotion she has to fulfill this sweetest desire that most of us wants?