Clarenze's POV (Dariel's best friend)
"Ano na dre? Mukhang problemado ka d'yan ah?" Tanong ko habang inaayos ang gamit dahil maya-maya lang ay darating na ang girlfriend ko. Taena yung mukha nito parang nalugi eh.
"Punta tayo ng SCS."
(O_O)- ako
"Anong gagawin na'tin doon? At tsaka anong oras na oh." Malakas rin talaga amats nito oh! Mag 6pm na tsaka pa nag aya gumala ampvt*.
"T*ng*na kasi di ako mapakali. Hindi ako makakuha ng update kung ano na nangyayari sa kanya." parang luka-luka na nakahawak pa sa buhok n'ya. Halatang problemado talaga.
"Sino ba kasing tinitukoy mo? Sino pupuntahan mo?"
"Si Kiara."
"What?! bakit mo s'ya kailangan puntahan? Bakit kailangan ng update? Kayo na ba?"
(>_<)
"Gag* walang kami pero syempre nag aalala pa rin ako."
"Tanga ka? Pwede ka naman mag alala pero yung actions mo parang mag jowa na kayo, eh wala namang kayo hahahaha!"
"Alam mo? Ang sama ng ugali mo." Sabi n'ya at inirapan pa ako. Kalalaking tao sanay umirap, ibang klase!
"Kung talagang gusto mo sige sasamahan kita pero alam mo ba kung saan ang bahay n'on? Malawak ang SCS. Baka street man lang ay hindi mo alam."
"Hindi nga, edi hanapin na'tin."
"Aba magaling! Pupuntahan mo tapos hindi mo naman pala alam kung saan ang bahay. Lakas amats mo brader!"
"T*ng*na naman nito e. Seryoso yung tao kung ayaw mo ako nalang mag hahanap."
"Bakit hindi ka mag tanong sa mga kaibigan n'ya? Hindi naman siguro masamang kumustahin mo s'ya sa mga friends n'yo. At siguradong nag uupdate s'ya sa kanila." Mahabang paliwanag ko. Matalino 'tong kaibigan ko pero hindi ko alam kung bakit natatanga pag si Kiara ang usapan.
"Nahahalata na kasi nila ako, pa'no pag nag tanong pa 'ko? Edi mas nahuli ako."
"Edi hayaan mo sila mag isip hanggang sa mabaliw sila. Si kiara naman ang concern mo no! Hindi sila."
"Bvbv ka talaga. Edi nailang sa'kin si kiara dahil siguradong puro asar ang matatanggap namin. Pa'no ko popormahan yun kung iiwas s'ya sa'kin?"
"Sigurado ka bang iiwas yon pag nalaman n'ya? Malay mo mutual lang pala ang nararamdaman n'yo." Nakangiti at halatang nang aasar na sambit ko.
(O_O)
Aba ang gag* ang lapad ng ngiti. Ebarg ang amats neto kay kiara.
"Nag bibiro lang ako pre grabe ka makangiti d'yan baka mapunit yang labi mo hahahahaha!"
"T*ngin* mo talaga."
"Hahahahahahahaha! Ayan na yung bebe ko pa'no ba yan?"
"Umuwi ka na! Nababatrip lang ako sa mukha mo."
"Hahahahahaha! Easy ka lang dre! Pag aralan mo muna ang mga gusto at hindi gusto ni kiara bago mo pormahan. Huwag mong kulitin baka heartbreak ang kasunod n'yan hahahhaha!"
"Lumayas ka na! Alis!"
"Hi Dariel!" Bati ng pinaka magandang dilag sa buong pilipinas. Syempre sa paningin ko lang tsk tsk tsk
"Yo! Lumayas na kayo bago ko masapak 'yang jowa mong bulok."
"Hahahahahahaha! Ul*l! Ge na! Bye!!"
Iiling-iling akong tumalikod. Grabe na ang tama nito kay Kiara, ibang-iba sa mga naging ex n'ya. Isipin mo naman sa dami ng ex n'yan ngayon lang namroblema ng ganyan sa babae hahahaha marami s'yang ex pero hindi naman n'ya pinag laruan lahat yon. Totoong nag karoon s'ya ng feelings hindi nga lang malala. Meron man na talagang seryoso, siguro dalawa lang.
BINABASA MO ANG
The Last Sweetest Desire
Teen FictionA story full of happiness and contentment. A woman who fall in love unexpectedly... How can she control the emotion she has to fulfill this sweetest desire that most of us wants?