Chapter 10

1 0 0
                                    

Kiara's

"Huy ano yun?" Tanong ko agsd kay dariel nang makalabas kami ng Millenzz. Gawa-gaea kwento 'tong gunggong na 'to. Umeeksena pa don.

"Ano ba nangyari?" Naguguluhang tanong ng mga kaklase namin. Aba naman kasi sigaw-sigaw 'tong dariel don sa loob. Sinabihan pa ng manyak si paul, although may part sa'kin na okay yung ginawa n'ya.  Nakakabastos rin kasi yung ganun, kakakilala n'yo lang tapos yubg actions n'ya parang nakikipag landian lang s'ya sa kung sinong babae.

"Wala lang yun okay? Nakakainis! Uuwi na tayo. Wag ka nang lalapit sa manyak na yun. At kayo rin!" Inis na inis si dariel kung makikita n'yo lang. Halos mag dikit ang mga kilay at nakanguso pa. Gigil yarn?

"Sige na, uwi na tayo. Bawi nalang next week." Sabi ko at itinutulak na si dariel papasok sa sasakyan n'ya. Halatang inis pa rin s'ya hindi ko tuloy alam pano pakakalmahin ang gunggong na 'to.

*Kinabukasan*

"Ang baho mo francis! Asan na sila carl at esca?" Tanong ko sa kanya habang nakatakip ang kamay sa ilong. Napakabaho amputek!

"Tanga! Eto oh tae! Pahid ko sa'yo 'to eh." Sabi nito at akmang ihahagis nga sa'kin yung dumi na hawak n'ya. May naligaw na naman sigurong pusa sa room at doon nag poop hahahahaahaha! Malas nitong francis na 'to. S'ya na naman ang nag linis.

"Papunta na 'yon sila carl, may beddings tayo e---"

"PVTANG*N* MO FRANCIS!!!!"

"HAHAHAHAHAHA!"

Ang hinayupak!!! Pinahiran nga ako sa braso ng tae punyemas!!! T*ng*n* talaga hayup na yan! Kung pwede lang mag mura nang mag mura ay ginawa ko na! Gag* amp*t*! Masubsob ka sanang francingot ka!

Tinignan ko yung dumi sa braso ko, buti nalang at hindi sa uniform dahil baka samain s'ya sa'kin. Isa lang ang dala kong pampalit dahil mag bebeddings kami today. Wala sa planong mapahiran ng tae, syempre wala namang tao ang nag paplanong mapahiran ng tae (-_-).

After ko mag linis sa restroom ay dumiretso na 'ko sa mock hotel dahil doon kami mag peperform ng beddings by pair.

"Kiara Hope Darva and Francis Hernandez." Tinignan ko francis nang nakakalokong ngiti. G@g* ka ah, babawian kita ngayon. Nakakunot ang noo nya habang nakatingin sa'kin siguro ay iniisip na n'ya kung ano ang balak kong gawin dahil nakangisi ako sa kanya.

Nang tinawag na kami ng prof namin ay sabay pa kaming tumayo. Lalaki s'ya pero mas malaki ako hahaha!

"Ipapaalala ko lang sa inyo, individual grade ito ha." Sabi ng prof namin. May time s'yang ibinigay na kung matatapos kami within 2mins na kahit hindi masyado maayos ang gawa ay siguradong perfect ang score pero kung lalagpas kami sa 2mins ay hindi kami makakaperfect unless sobrang linis ng work mo.

Sinimulan namin sa pag angat ng mattress para mas mapadali ang pag lalagay namin ng bed sheets nang walang nalulukot. Pag kasi nag karoon agad ng lukot sa 1st sheet, malaking bawas sa puntos yon dahil magkakaroon rin ng lukot ang susunod pa naming ilalagay.

"Hopia!" Bulong ni francis. Ngumiti ako nang pagka lapad-lapad kahit na napapagod na 'ko. T*ng*n* mo ah.

"G*g* hopia, bigyan mo naman ako ng konting allowance dito. Hayup t*!" Pasigaw na bulong nito. Nag iingat dahil baka marinig s'ya ni ma'am hahahahahahaha

"What did you say?" Napatingin kami kay ma'am dahil mukhang narinig n'ya ang sinabi ni francis hahahahaha! Ul*l!!

Pinang lakihan n'ya 'ko ng mata kaya tinawanan ko pa s'ya lalo. Payback time! Hahahahahaha!

Simula 1st-3rd sheet ay pinag kaitan ko s'ya ng allowance sa part n'ya kaya naman ngiting-ngiti ako hahahahaha! Don't worry guys, nung sa blanket na ay nag hilahan pa kami dahil gusto n'ya kong bawian pero dahil malakas rin ako. Nakakuha pa rin ako ng akin hahahahaha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last Sweetest DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon