Chapter 8

5 1 0
                                    

Kiara's

Nakauwi na kami at hindi ko alam kung paano haharapin si dariel sa susunod na pag kikita namin. Kung ano-ano kasi ang sinasabi! Hindi ako ready jusq!!!

Para mahimasmasan ay nag open ako ng IG. Sakto naman at may nag message kaya nabasa 'ko agad. Hindi ko kilala yung nag message pero parang may hinanakit? Hahahaha

x_Aila: ' Hi te? Pwede bang huwag ka na mag story ng face mo? Paki unfollow na rin yung boyfriend 'ko. Nakakainis na kasi, parang nananadya ka na. Mahirap bang intindihin na may girlfriend na yung tao? Masyado kang nag mamaganda, paki delete na mga pictures mo. Sana maintindihan mo.'

Huh? Hala gagi sino ba 'to??? Nalito ako bigla. Ano bang pinag sasabi nito? Sino ba 'to? 'di ko nga kilala jowa nito mas lalong hindi ko s'ya kilala. Punyemas, pati pag myday at pag post ko ng mukha sa sarili kong account bawal na rin?! Sino bang hampaslupa ang nag latag ng patakaran na 'yan?

Hopieee_KD: 'Hello ate, may i ask who's your boyfriend?  I don't know you po eh.'

x_Aila: 'It's mark, wag ka na mag pretend na hindi mo s'ya kilala dahil nilalandi mo naman talaga sya. Nag papakita ka pa ng mga pictures, hindi ka naman maganda.'

Wtf???! Anong nilalandi??? Sino si mark??? Ohmyghad! Nakakastress ha! Lumalandi ba 'ko ng hindi ko alam????!

Hopieed_KD: 'Fyi po, hindi ko po kayo kilala ng boyfriend mo. And you cannot forbid me for posting my picture it's my account after all. You don't have any proof na nilalandi ko yung boyfriend mo. I'm not that kind of girl. Don't accuse me.

Habang inaantay ko yung reply nung babaeng inaakusaan akong malandi, inistalk ko muna sya sa IG. Di naman pogi jowa n'ya. Hindi naman kaagaw-agaw!

x_Aila: 'Pwede ba? Huwag ka na mag deny. Palaging nakaheart sa mga pictures mo ang boyfriend ko. Mang aagaw!

Ha? Hakdog! Hindi na 'ko mag tatakha kung mag break nga sila dahil ang toxic nitong babae. Ang paranoid masyado.

Hopieee_KD: 'It's not my fault if your boyfriend thinks i'm pretty hahahaha!

Reply ko ay tsaka nag offline. Lintek rin ang sapak non eh no? Nag online nga ako para mahimasmasan tapos ganon pa nangyari (-_-)

Isang linggo kong iniiwasan si dariel dahil sa pinag sasabi n'ya. Wala tuloy akong gala, nakakasad.

"Tara na kasi hopia! D'yan lang naman tayo mag mimilktea!" Pilit pa rin sa akin ni psychelyn. Ay bahala kayo d'yan!

Kinuha ko ang bag ko at akmang tatakbo na paalis kaso ang mga gunggong tinali yung bag ko sa upuan! Kaya imbis na makaalis ako, natumba ako ng wala sa oras! Nyeta talaga

"Hahahahahahaha! Isang linggo kang ganyan hopia! Friday na ngayon hoi! Seryoso ka bang wala kang balak gumala kahit isang beses lang?" Sagot agad ni Alizza.

(-_-)

Ang sakit ng pwet ko!!! Sinamaan ko sila ng tingin at tsaka tumayo.

"Para kang tanga hopia! Ano bang nang yayari sayo? Hahahaha!"

"Wala! Tinatamad lang talaga ako!" Sagot ko habang inaalis ang pag kakatali ng bag ko sa upuan. Lintek! Bakit ang hirap tanggalin nito???!! Parating na sila dariel galing meeting sa OSA! Nyeta!!!

Para akong maiiyak dahil ayaw matanggal ng bag ko sa pag kakatali, masyadong mahigpit!!

Nang maalis ko na ay tumalikod na ako agad at akmang aalis na. Kaso...

Napahinto ako at napatingin sa kung sino ang nasa pintuan. Kinabahan na naman ako ng bongga! Nyeta! Sa isip ko ay nag munura na 'ko dahil naabutan na n'ya ako! Pano ako tatakas? Masyado n'yang mahahalata na iniiwasan ko s'ya! Ay gaga hindi pa ba ako halata? Isang linggo na kaming hindi nag papasinan! Sa tuwing break ay nilalapitan n'ya 'ko pero lagi akong may biglang gagawin!

The Last Sweetest DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon