*1*

49 4 3
                                    

###

*1*

"HOLLIE ENNA CORDELIA!!!"

Napatingin naman agad ako sa likuran ko kung saan may tumatawag sa akin ng pangalan ko. Tatawa na sana ako pero pinigilan ko na. Baka mainis pa lalo.

Complete name ko pa talaga ang sinasabi nito, ano?

Iisang tao lang din naman kasi ang tumatawag sa akin ng ganyan kung naiinis na. As in sobrang naiinis na.

"Yes, Bessie? What is it? What can I do for you?" I said and smiled to Irra, my bestfriend. Kahit naiinis yan, sinusuportahan niya pa rin ako because she's the only one who can understand my craziness over my favorite band, BLUE X-RAY.

"Like seriously? Ang daming dami mo na kayang hinahawakan na mga merchandise nila. Wala ka na bang planong bitawan ang mga iyan?! Kanina pa tayo dito na nakatayo at nakatunganga! Gosh! You're really wasting your money on stupid things." Irra raised her eyebrows at me.

Okay. Pinipigilan ko lang talagang tumawa. Nakakatawa kasi ang reaksyon niya.

"Chillax ka nga lang muna diyan.. Mainit na mainit na naman ang ulo mo. Siguro nag-away na naman kayo ni Coen, ano?" Pagbibiro ko at sabay pababa-pataas ng aking kilay. Pagtingin ko sa kanya ay naging doble pa lalo ang inis nito sa akin at tinaasan niya pa ako ng kilay. High blood talaga 'tong isang 'to. Hindi ko nga alam kung bakit naging bestfriends kami. Basta, long story. Sa susunod ko na sasabihin..

"Huwag mo ngang mabanggit-banggit sa akin ang ang pangalang 'yan. Hindi ko nga 'yan kilala. Sino ba siya?!"

"Ah sus! LQ kayo? Okay lang 'yan." Pagbibiro ko.

"Shut up."

Tinawanan ko lang ulit siya at humagikhik pa atsaka nagsalita muli.

"Okay. Sabi mo eh. I'll stop bugging you with that issue. But as of now tulungan mo muna akong pumili ng kung ano pa ang bibilihin kong merch nila na wala pa ako. Please? Pretty please?" Sabi ko with matching cute puppy eyes. 'Yung parang ginagawa ni Puss sa Shrek kapag nagmamakaawa siya bago umatake sa mga kalaban. 'Yun yun.

Tinitigan ako ng matalim ni Irra at nagbuntong hininga ng malalim. "Merch nanaman? Sige na nga. Tara na! Bilisan nalang natin."

I know, I know and I know that I'm crazy. She's my best friend so she understands my craziness over that band. Sinasamahan niya pa rin ako kahit hindi niya naman gusto. I'm so lucky to have a bestfriend like her.

Tinulungan naman niya ako pamimili ng mga merch. Kahit na labag sa kalooban nito. After naming bilhin ang lahat na nakita ko ay pumunta na kami sa restaurant para kumain.

Nagugutom na kasi ako sa kakaikot ng mall dahil sa pamimili ng mga merch.

Si Irra na ang umorder ng pagkain namin. Binigay ko sa kanya ang pera ko at nagprisinta na uupo lang ako dito para magbantay ng mga paperbags ng mga pinamili namin. Mahirap na baka nakawin.

Tiningnan ko ulit ang paperbags na puno ng posters ng X-RAY BLUE members.

Si Coen na nasa gitna na may hawak na guitar, si Lennox na nakangiti ng todo na kitang-kita ang kanyang mapuputing ngipin at may hawak na drumstick, si Eero na naka-smirk at nakahawak ang kamay sa isang piano at last and definitely not the least, si Ryne na nakangiti din at may hawak na bass guitar.

Napansin ko na ang gwapo nilang lahat kahit medyo hindi pormal ang kanilang itsura. Messy hair, ripped jeans, simple tshirts with leather jackets, perfect lips at perfect angles. Hay. Nagdidaydreaming na naman ako.

"Hollie? Eto na ang pagkain." Sabi ni Irra na nagpabalik sa aking katinuan. Pinilit kong itago ang aking ngiti tungkol sa aking pinag-iisip. Baka sermunan na naman ako tungkol sa kay Coen niya. Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Thank you Bessie." Sabi ko sabay abot sa utensils.

"No problem. Libre mo naman 'to." Anito at tumawa.

"Thank you for helping me buy these things."

Tumango lang ito at sinubo na ng pagkain. Nagsimula na din akong kumain.

"By the way, Hollie. May pupuntahan pa ba tayo pagkatapos nito?"

Kinuha ko ang phone ko at tinignan doon ang to do list ko. Nakamemo kasi doon ang lahat ng gagawin ko para sa araw na ito. Nag-scroll ako hanggang sa makita ko kung ano pa ang gagawin ko.

"Mukhang wala naman, Bessie. Iikot nalang siguro ako ulit sa mall. Boring sa bahay eh. Wala akong makausap."

Parating busy sina Mama at Papa. Business tycoons kasi sila. Hindi ko sila madalas nakikita sa bahay.
Pero okay na rin na ganito. Inispoil nila ako sa lahat lahat at ginagamit ko ang pera na pinagtatrabuhan nila. We have millions of cash. But compared with the money, I'm still not enough. They gave me everything I wanted. I have my own credit cards, walk in closet, a car but they won't let me use it for now and I also have my own condo unit.

I love my parents but they have no time for me as their daughter. Kahit isang dinner lang na magkasabay kami. Hindi na nangyari. The last time we had a family dinner was when I was only eight years old and then nothing. It never happened again until I turned sixteen this year.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Sasamahan nalang kita. Ayokong makakita ng bwisit ngayong araw na 'to."

Napangiti ako. Ewan ko ba kung ano ang ginawa ni Coen sa Bessie ko. Parang mainit parati ang ulo nito.

Nilibot namin ulit ang mall. Nasa isang bookstore kami ngayon at tumingin tingin sa mga libro. Bibili nalang siguro ako ng libro para pampalipas oras.

May napili na ako. Dumiretso na ako sa cashier para bayaran ang libro.

Napahinto lang ako sa paglalakad nang may bumangga sa akin at inunahan ako sa pagpila.

The nerve! Sino ba 'to?!
Hindi man lang nagsorry?

Tiningnan ko ito nang masama. Isang lalaki ang bumangga sa akin.

Nakahood ito at nakasunglasses. Where's the sun, dude?

Matipuno ang katawan. Siguro mga 6 ft ang height nito. Nakatingala nga ako sa kanya kasi 5 ft 7 inches lang ang height ko.

"Excuse me, Mister. Ako ang nauna sa pila. At nabangga mo pa ako at hindi ka man lang nagsorry. Hindi ka ba tinuruan ng GMRC?" Sabi ko dito.

Mukhang hindi niya ako narinig. Bingi ba 'to?

"Excuse m--" Naputol ang sasabihin ko kasi tinakpan nito ang bibig ko. What the?

Hinawakan ko at kinuha ang kamay nito na tumatakip sa bibig ko.

"Shut up." He coldly said.

Huh? Anong ibig nitong sabihin?

He's really familiar to me but I can't identify who he is.

###

Hello after 1 month of hiatus, I'm finally back to writing!

Meet Hollie Enna Cordelia. :)

She's from Dear Inspiration. This is the second installment of the Inspiration Series. 

= IrsBlueGreen =

Love InspirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon