*5*

24 3 0
                                    

###

*5*

Bumuntong hininga muna ako bago sumigaw ng napakalakas-lakas para sa aking cheer sa soccer team ng school. Kalaban nila ang players ng Easton University. Hindi pa nakapuntos ang kahit sino sa kanila.

"Go Cassiopeias!" Sigaw ko ng aking cheer sa mataas na boses.

Nahagilap ng aking mata si Eero at Lennox. Ang galing galing nila talaga sa soccer.

Nang nalaman ko na favorite sports nina Eero at Lennox ang soccer ay todo suporta naman ako sa kanila. Kaya masaya ako ngayon para sa kanila dahil nakapasok sila sa line up ng Cassiopeias Soccer Team. Rumors says that mailap daw makapasok sa soccer team ng school. Dapat handa ka sa hindi pangkaraniwang training at practice nila. You need to sacrifice in order to enter the prestigious soccer team.

Mas diniinan ko pa lalo ang pagsigaw ko. Ako yata ang pinakamalakas na nag-chicheer dito. Napatingin pa halos lahat ng tao sa akin kapag sumisigaw ako. Okay lang. I can cheer as loudly as I could.

The tension suddenly arose when the Easton player went near the penalty box. Maingat na maingat ang Cass (short for Cassiopeia) defender para hindi ito makalapit sa goal post. But suddenly he kicked the ball. Good riddance! Kasi hindi iyon pumasok sa goal. Sinalo ng goalkeeper. Nakahinga rin ako ng maluwag.

The referee whistled and that's the signal for the half time. Zero ang score ng dalawang team.

Nasa gilid ko si Irra, nakatingin lang siya sa akin. She sighed before she stood up and walk towards me.

"Ang ingay mo talaga. Heto tubig. Alam kong nauuhaw ka sa sobrang lakas ng pagsisigaw mo."

Kinuha ko sa kamay niya ang bottled water, binuksan at ininom iyon. Mga kalahati siguro ang nainom ko. I'm really thirsty.

"Thank you, Bessie." I smiled at her. She faintly gave me a smile too. Ah sus. Nahihiya pa. Napatawa tuloy ako.

"Anong nakakatawa?" Tanong ni Irra.

"Wala. May naalala lang akong nakakatawa." I formed a peace sign and smiled sweetly.

Nakakunot-noo na naman siya. "Bahala ka na nga. Malapit na itong matapos diba? Nabo-bored na kasi ako eh."

May nag-ring sa bulsa nito kaya sinagot niya ang tawag habang nililibot niya ang kanyang paningin na parang may hinahanap. Binaba niya phone niya at tumingin sa akin. "Nakita mo ba si Jamie?" I shook my head.

"Nasaan na ba ang babaeng 'yun? Hinahanap siya ni Lennox. Kainis! Anong feeling niya sa akin?! Call center?" Tinaasan niya ng boses ang kausap niya sa phone. "Hanapin mo siya! Alam mo naman kung nasaan siya. Ikaw na ang humanap! Bahala ka! Huwag kang tumawag sa akin ha! Kainis kayo!" She dropped the call. She grabbed her bottled water and drink it.

I smiled at her. Mukhang mainit naman ang ulo niya. Hay, buhay. "Chill ka lang, Irra. Huwag parating nakasimangot. Magagalit si Coen." I teased her.

"Gusto mo bang gawin kitang bola at itapon sa field? Are you really my friend?" Nakasimangot na naman siya. I grabbed her cheeks and pinched it. Ang cute niya! Namumula na naman siya. Maputi kasi si Irra. Simpleng kurot lang sa kanya, namumula na agad.

"Ano ba! Tigilan mo ako, Hollie! Isusulat ko ang pangalan mo sa death note ko kung hindi mo pa ako bibitawan!" Tinampal-tampal niya ang kamay ko.

"Sige na nga. Huwag mo munang isulat ha, wala pa kong lovelife eh. Maghahanap muna ako. I'll update you when I find one and you can freely write my name on it. So that I can die happily ever after." Humagikhik ako.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Baliw ka talaga."

Narinig ko na ang whistle ng referee para sa pagsisimula ng second half. Bumalik naman ang pagkaka-excited ko. Tumingin ulit ako sa field.

Love InspirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon