*4*

24 3 0
                                    

###

*4*

"Hollie! May naghahanap sa'yo sa labas." Ani ng kaklase ko. Napatingin naman ako sa gawi ni Flor kasi siya ang tumawag sa akin.

Sino kaya 'yun? Well it's better to see who it is.

"Thank you Flor. Alis muna ako ha. Pakisabi kay Bessie Irra." I smiled at her and waved my hand.

"Sige. Balik ka dito agad ha? Baka dumating si sir!" Tumango ako sa paalala nito.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tumungo sa labas ng classroom. Nadatnan ko doon ang lalaking naka-uniporme. Yung uniporme ng mga bodyguards ni Mommy.

"Sino ka? Bakit mo ako hinahanap? Pinadala ka ba dito ni mommy?" Tanong ko dito. Hindi dapat ako magpadalos-dalos. Baka hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking ito. Better to make sure.

"Sorry po, Miss Hollie. Biglaan kasi. Inutusan po ako ni Madame dito para sabihin po sa inyo na magkikita kayo mamaya para sa dress fitting.."

"Nasaan si Mommy?" Nakakunot-noong tanong ko.

"Nag-uusap pa po sila ng kliyente niya.."

"Anong oras kami magkikita ni mommy mamaya?"

"After po ng klase ninyo. Ipapasundo ka po niya sa driver."

Tumango-tango ako. "Bago po ba kayong bodyguard ni mommy?"

"Opo."

"Sige. Pakisabi kay mommy na pupunta ako."

"Sige po, Miss." Umalis na ang bodyguard ni mommy.

Papasok na sana ako sa room namin nang namataan kovsi Ryne. Dala-dala niya ang gitara niya.

Napakunot-noo naman ulit ako.

May klase pa kami, ah? Saan siya pupunta?

Walang sa sariling sinundan ko siya kung saan man siya pupunta. Hindi naman nito alam na nakasunod ako sa likuran niya eh. Stalker na ako ngayon.

Umakyat ito sa hagdanan. Stairs to the rooftop. This is a restricted area in the campus!

Kukunin ko sana ang phone ko sa bulsa ko pero naalala ko na nasa bag pala at hindi ko pala dinala. Kasi akala ko babalik ako agad.

Anong gagawin niya? Don't tell me magpapakamatay siya?

No! I need to stop him!

Panay pa rin ang pagsunod ko sa kanya. He still didn't notice my presence yet.

He opened the door and got to the rooftop. While I'm here following behind him carefully and sneakily.

Nagtago muna ako sa likod ng mga drum. Titignan ko muna kung ano ang gagawin niya and then I'm going to rescue him. Tama! 'Yan ang gagawin ko!

Pinalabas niya ang gitara niya sa case nito. Inalabas niya rin ang isang lighter sa kanyang bulsa. Don't tell me?! No!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I got out of my hiding place and shouted at him without thinking.

"Anong gagawin mo, Ryne?" Sigaw ko. He paused and looked at me. Halatang nagulat siya na nandito ako.

"You again, miss? You're really persistent. Stop following me!" He hissed.

He continued what he was doing earlier. He ignited the flame from the lighter at pinalapit niya sa kanyang gitara ang apoy.

Omygosh! Susunugin niya ang gitara niya?! He's quitting on BLUE X-RAY!

Love InspirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon