*6*

19 2 0
                                    

###

*6*

Ngayon na ang party na sinasabi ni mommy. Wala akong escort. Si Ryne sana ang partner ko pero tinanggihan niya ako. Umasa din naman kasi ako. Huminga ako ng malalim para iwala sa isipan ko yun. Ang rejection ni Ryne.

Opening kasi ngayon ng bagong business ni Daddy. Another set of chain of hotels and winery. Nandito din si mommy kasama niya si daddy. Kasalukuyang may kinakausap silang prospective clients na hindi sobrang importante kaysa sa akin.

Mula sa kilalang pamilya ang mga kliyente ni daddy at mommy. Nandito ako ngayon para alamin kung ano at paano dapat ang gawin at attitude sa ganitong okasyon which is a prim and proper business party.

I want to please my parents. Hindi naman kasi nila ako parating pinagtutuonan ng pansin. Kaya this is my chance to let them see that I'm here for them as their daughter.

I understand their work. But still, I always longed for their attention. I tried to do everything that could please them. Miss Goody Two Shoes pa nga sabi ni Irra. I always try to be the best daughter for them.

I'm happy with my life. Contented? No. I still need to seek the attention of my parents.

Ilang beses na akong bumuntong hininga. Napansin siguro yun ng kausap ko na anak ng business partner ni daddy.

Trevor Renacejas. The eldest son of a well-known businessman. Their businesses are always successful. Business magnate ang dad ni Trevor. Kaya kasosyo sila ng businesses ni daddy at mommy.

Napansin ni Trevor 'yung pag-iisip ko ng malalim kaya napatingin siya sa akin. Mabuti pa siya pinagtutuonan ako ng pansin.

"Okay ka lang, Hollie?" Pinisil niya ang kamay ko.

"I'm okay. Salamat sa pag-aalala.." Nginitian ko siya at binawi yung kamay ko. I feel awkward. He just smirked at me.

"Are you sure? Don't feel awkward just be at ease." Trevor said and playfully grinned.

I just smiled at him. He's creeping me out. Why is he always grinning?

Kilala ko naman siya dahil nga kasosyo siya ng parents ko. Parati din siyang umaattend sa ganitong gathering.

"Sanay ka na siguro sa ganitong parties?" I asked.

"Yes. My dad always bring me to these events. Business is always important so that's why I'm learning from my dad's footsteps."

He looks responsible. Maybe dahil siya ang panganay. Trevor has a younger brother who is two years younger than him.

Tinuon ko ang pansin ko sa mga tao na nasa paligid. Lahat ng mga lalaki dito ay naka-tuxedo na iba't ibang klase ng kulay. Ang mga babae ay naka-long gown. Formal na formal talaga.

Nakaka-bored nga. Kanina pa kami nag-uusap ni Trevor. Nag-uusap rin kami ng nakakasalubong kong acquaintances na anak ng mga kasosyo ni daddy at mommy pero panandalian lamang ang pag-uusap na iyon.

Sinamahan ako ni Trevor papunta sa mga pagkain. Kumuha ako ng punch, nauuhaw na ako dahil kanina pa ako nag-uusap sa mga kakilala ko. I'm parched. Uminom ako hanggang sa hindi na ako nauuhaw.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko kay Trevor. Umiling siya kaya hinawakan ko ang braso niya at dinala siya sa terrace ng hotel na karugtong lang ng function hall. Kailangan ko ng hangin. Hindi na ako medyo nakakahinga sa loob eh. Mataas ang tensyon sa loob.

"Mukhang pagod ka na. Gusto mo ipagpaalam na kita kay tita na magpahinga ka na?" Puno ng pag-aalala na tanong ni Trevor.

"I'm fine. Ayos lang ako. Kailangan ko lang magpahangin."

Love InspirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon