*7*
Examination week namin ngayon kaya busy ang lahat sa pag-aaral.
Ang malas ko pa ngayon ang unang exam ko ay math. Mahina pa naman ako sa math.
Pero nag-aral na ako kagabi at nag-rereview ng notes ko ngayon habang hinihintay na dumating ang proctor namin.
Magkatabi kami ng Bessie Irra ko. Halos kompleto na kami sa loob ng room. Hinihintay nalang talaga namin na dumating ang proctor.
Tumigil na ako sa pag-aaral. Hindi na kasi pumapasok sa isip ko ang inaaral ko.
Kinuha ko ang ballpen ko sa bag at nilagay sa armchair ko pati yung permit.
Timing naman at pumasok na ang proctor. Ibinigay niya na sa amin ang test paper. I answered all the problems carefully. Baka mamaya tuloy mali pala ang sagot ko.
One hour passed and in-announce na ng proctor namin na ipasa na ang answer sheets namin. Sana makapasa ako dito. Wahhh! Sana nga!
She dismissed our class after collecting the questionaires and answer sheets.
Napatingin ako sa labas at nakita kong dumidilim ang kalangitan. Mukhang uulan pa yata. Buti nalang nakadala ako ng payong ko.
Sa hindi kalayuan ay nahagilap ng paningin ko si Ryne na nasa isang gazebo na mag-isa. Busy siya sa pagsastrum ng gitara niya. His new guitar. Hindi ko pa din alam kung bakit niya sinunog ang gitara niya. I'm really curious kung bakit niya 'yun ginawa...
Pinasya kong puntahan siya. I know I'll disturbed his peace time with himself. Makulit ako eh. I don't have anything to do.
Kailangan ko pang humingi ng tawad sa kanya sa nangyari sa party last time. I really lost my composure.
"Hey, Ryne. I'm sorry for disturbing. May sasabihin lang ako. Okay lang ba?" I asked.
He look at me with those cold expression of his. Ang lamig ha. Malamig pa naman ang hangin dahil parang uulan.
"What?"
"I'm sorry last time sa nangyari sa party. I didn't mean to shout at you." I said.
"That's it? You're asking forgiveness? That's why you disturbed me?" He stared at me, unbelievingly. "You're forgiven." He stood up and started to walk away from me. But stopped midway. "Don't approach me again." He coldly said and walked away again.
Nakatayo lang ako doon habang tinitignan ang likuran ni Ryne.
Ano ba kasi ang magagawa ko para magustuhan mo ako, Ryne? I want to be your friend.
Matindi at malamig na ang ihip ng hangin. Nagmamadali akong bumalik sa building kung saan ko kukunin ang exam ko.
Timing naman pagkarating ko kasi bigla nalang nagsimulang bumuhos ng sobrang lakas ang ulan.
If you're still there when I get back that means you and I will be friends. If not I'll never bug you again.
Yan ang sinabi ko sa isipan ko. Kung babalik siya dito sa gazebo kanina that means we could be friends.
Bumalik ako sa room at naghintay sa proctor namin. Next test ko ay english. Madali lang naman kaya papasa ako sa subject na 'to. I answered confidently and passed my answer sheets.
I'm done. Dalawa lang naman ang exam ko ngayong araw.
Malakas pa rin ang hangin at ulan.
Babalik ako sa gazebo to check kung bumalik ba doon si Ryne. Seryoso ako na gusto ko siyang maging kaibigan.
BINABASA MO ANG
Love Inspiration
Novela JuvenilInspiration Series #3 Hollie Enna Cordelia story. "Love isn't planned, it just happens." Anong gagawin mo kung ang inspirasyon mo ay biglang naging Love mo na? Kahit na hindi ka niya pinapansin? Makakaya mo bang kunin ang kanyang atensyon? Kahit na...