|Part Two: Irresistible|
"Love is an irresistible desire, to be irresistibly desired."
✎✎✎✎
Ang awkward talaga. Simula ng lumipat si NJ nagkalitu-lituhan na. Katulad nalang ng pareho kami ng palayaw, kaya pagtina-tawag ako napapalingon din siya. Pag siya naman yung tinatawag napapatingin din ako. Alam niyo naman ang feeling niyon. Isama pa yung kakaisip ko na baka siya nga si NJ. Basta ang gulo!
"O, ang 'yare sa'yo?" paglingon ko si Charm pala.
"Ito nagrereview."
May test pa kasi kami sa Science. Ano ba yan dagdag problema.
"Tara punta tayo sa canteen para masaya." sabay ngiti niyang sabi.
"Anong masaya, ayaw kong bumaksak." Para daw masaya, bakit ba nila sinasabi yun.
Nagtaka ako dahil nakatayo lang siya sa likod ko hindi na rin siya umiimik.
Lumingon ako sa kanya, "Ikaw bakit hindi ka magreview?"
"Alam mo naman na hindi ko kailangan magreview, nakikinig kasi ako sa teacher." diniinan niya pa yung pagkasabi ng nakikinig. Pinapatamaan talaga ako. Hindi ko talaga matanggap na isa siya sa top ten dito hindi nga siya nage-effort. Pero ako doble kayod sa pagre-review pero bumabagsak parin ako. Ang unfair talaga ng mundo.
"Ikaw nalang ang pumunta sa canteen." sabay abot ko sa kanya ng 50 pesos. Nagtaka naman siya. "bilin mo rin ako ha. Para masaya." sabay ngiti ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito.
"Ang KJ mo talagaaaaa~" pasigaw niyang sabi hanggang tuluyan siyang tumakbo balabas ng classroom. Umiling-iling nalang ako. Pero sana nga bilan niya ako.
Sa paglabas ni Charm ang pagpasok naman ni NJ na diretsong pumunta sa upuan nito. Binalik ko nalang ang atensyon ko sa librong hawak ko. Pero napapansin kong parang hindi mapakali si NJ sa upuan niya. Tatayo ito tapos uupo rin.
Biglang tumunog yung upuan ni NJ kaya napatingin ako sa kanya; na nakatayo na ngayon. Nagsimula siyang maglakad papunta sa direksyon ko. Umiling nalang ulit ako at binalik ang tingin ko sa libro. Mga tao nga naman napaka mysteryoso. Napatigil ako at binalik ang tingin ko sa kanya. T-teka papunta siya dito!
Hindi ako mapakali nanginginig yung mga kamay ko nung umupo na siya sa pwesto ni Charm. Ok lang yan Natasha huwag mo nalang pansinin. Pero bigla nalang niya ako kinuwit sa balikat ko. Nangilabot tuloy ako at unti unting lumigon sa kanya.
"O-oh, i-ikaw pala NJ." ngumiti nalang ako sa kanya habang nakapikit yung mga mata ko, napasobra kasi yung pagngiti ko.
Ilang segundo ang lumipas hindi parin siya nagsasalita. Bakit ganyan yung mga tao ngayon, nangde-deadma nalang.
Nung dinilat ko yung mga mata ko nagtama yung tingin namin. Ang gaganda pala ng mga mata niya sa malapitan ang tangos din ng ilong niya. Bakit hindi ako nabiyayaan ng matangos din na ilong?
Doon ko palang napansin na tinititigan niya parin ako kaya naconcious kagad ako. May dumi ba ako sa mukha?
"B-bakit?"
Umiling lang siya.
"May problema ka ba?"
Umiling ulit siya. Parang namang pipi to'ng kausap ko.
BINABASA MO ANG
When I Was Here
RomanceNatasha Jane, simply known as NJ. Isang babaeng naghahangad magkaroon ng kaibigan na mapagkakatiwalaan niya at hindi siya lolokohin tulad ng iba. Isang araw napag-“tripan” niyang magiwan ng sulat sa isang puno. Pero hindi niya inaasahan na may tutug...