Part Twelve

239 60 69
                                    

| Part Twelve: Missed You |

"The more I resist you the more I miss you."

***

5 weeks later...

"Class magpapamigay na kami ng schedule para sa 2nd periodical test ninyo next week. Ibibigay ko ito-" pinaspas ng teacher yung schedule papers namin, "-sa president ninyo. Magme-meeting pa kasi kami ng mga teachers."

Tinawag niya yung president tsaka inabot yung mga papel. Kagad naman lumabas ang teacher.

Ang pangalan ng president namin Kimberly, Berly ang madalas naming tawag sa kanya; ayaw niya kasing tinatawag na Kim, may pagkatomboy kasi siya.

Mayamaya nakuha ko na rin yung schedule ko.

Thursday (Half day )

7:30 - 8:30 | Math |
8:30 - 9:30 | Science|
9:30 - 10:00 | Break Time |
10:00 - 11:00 | Filipino |
11:00 - 12:00 | T.L.E |

Bakit?! Bakit math pa ang nauna. I suck at math. At ang mas masakit pa sunod sunod pa ang mga major subjects namin sa first day. Wala lang yung english. Kaso ang pinakamadaling major subject english basa ka lang kasi nang basa ng mga stories sa english test.

Sakit nanaman ng ulo ang hatid nito.

Inikot ko ng tingin ang mga kaklase ko. May nakita ako na binabahagi sa katabi ang sakit ng loob niya sa schedule. Ang magiging tugon palagi ng katabi-

"I feel your pain. #makeitrain." with hugot face.

And then tumingin ako doon sa mga matatalino naming kaklase na kasali sa top ten. Yung iba mukhang problemado and the others chillax lang sila habang nakatingin sa schedule.

Tapos tumingin ako sa katabi kong si Charm na kasali sa top ten dahil 'matalino' siya!

Nakadikit ang magkabilang kilay ni Charm habang nakatingin sa schedule.

Yes! Mukhang mahihirapan siya sa periodical test! *evil laugh*

As I was about to rub it in her face, kaso kinrumple niya yung papel sabay bato nito sa isa naming kaklase.

(°0°) - ganito ang naging reaction ko.

As in seriously wala siyang pake?!

"Huy! Sinong nagbato nito?" nung walang nagsalita binato niya yung papel sa isa pa naming kaklase. In just 5 seconds halos lahat ng kaklase ko nagbabatuhan na ng papel.

The look on Charm's face saying. "Opps?"

Sasakalin ko na sana si Charm nang biglang may nagbato sa akin ng papel. Sa mukha ko mismo. I felt enraged kaya kinuha ko yung papel na binato ng isa kong kaklase, pero bago ko pa man maibato may humawak sa braso ko. Si Nj.

Nagkatitigan kami bago siya magsalita.

"You're gonna get yourself in trouble if you throw that."

"Sorry"

Umiling-iling siya saka niya kinuha yung papel sa kamay ko at binato niya yun doon sa nagbato sa akin and he exactly hit him at the face too.

"Happy? You got your revenge now."

Ngumiti ako sa kanya. "Yes."

Ang sunod niyang ginawa ang mas hindi ko inaasahan.

Lumuhod siya sa harap ko sabay yakap sa akin. Hiniga niya pa ang ulo niya sa tiyan ko.

Hindi ako makapagsalita parang naging bato ako.

When I Was HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon