|Part Eight: Stay the Night|
"I stayed up all night thinking about you."
***
Mama sorry hindi ako makakauwi. Masyadong malakas ang ulan, signal no.3 na kasi. Kamusta na kayo diyan ni ate? Malakas din ba ang ulan diyan? Sorry talaga ma
P.S. Nandito parin ako sa bahay ng kaklase/kaibigan ko. Dito muna ako makikitulog sa kanila.
Napabuntong hininga nalang ako saka tumingin sa labas ng bintana. Sa sobrang lakas ng ulan wala ka ng makita sa labas kundi tubig at si...
Muntikan na ako mahulog sa kama ng makita ko si Caleb. Nagtatampisaw siya sa labas sa kalagitnaan ng bagyo. Ang weird talaga ng taong yun. Mayamaya nakita ko rin na tumakbo sina Nate at Daniel papunta kay Caleb, saka ito tinulak papasok ng bahay.
Sa tingin ko makikituloy ako sa pamilyang Weird. Napahiga nalang ako sa kama at napagpasyahang matulog. Mariin kong pinikit ang mata ko.
Sana wala na yung bagyo bukas para maka-uwi na ako. Nagaalala na siguro si mama.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagtutulog ng biglang may kumuwit sa binti ko. Hindi ko nalang ito pinansin at gumalaw nalang sa pag-kahiga. Akala ko titigil na ito pero may kumuwit nanaman.
"Hmmm. Ano ba?!" sigaw ko. Hindi niyo ako masisi. Nangugulo kasi sa pag-tulog ko.
"NJ. What are you doing here?"
"Anong 'NJ, what are doing here?'" binukas ko ang mata ko para samaan ng tingin ag taong nangistorbo sa pagtulog ko. Si NJ ang nakita ko, masama ang tingin nito sa akin. Ang mas masama pa walang siyang pangitaas.
Aru. Nanaginip na ata ako. Kinusot ko ang mata ko, inaasahang mawawala na ang NJ na nakatapis sa harapan ko. Pero hindi parin ito nawala. Kahit ilang beses ko kinusot ang mata ko nasa harapan ko pa rin siya, kaya kinurot ko ang sarili ko.
"Your'e not dreaming this is reality." tinuro nito ang pintuan "Get out."
"Pero naantok na ako NJ. Ka sabi ng ate mo dito ang kwarto ko." humikab ako "Ka, nakapaskil sa pintuan ng kwartong 'to pangalan ko. Baka ikaw pa nga ang mali eh." umikot ako sa kama. Sinakop ang buong space nito.
"Sige, good ni-" dinakma ni NJ ang maagkabilaang binti ko. Napahiyaw nalang ako sa sobrang higpit ng pagkahawak niya. Saka niya ako hinila pababa ng kama. My butt landed square on the floor.
"Aw. Bakit mo ginawa yun." mataimtim kong tanong sa kaniya habang hinihimas himas ang pangupo ko.
"Just get out." tiningnan ko si NJ. Kakaiba to'ng NJ na'to parang hindi siya itong tao na nakatayo sa harapan ko. Umiwas nalang ako ng tingin ng maalala ko na naka-tapis lang pala siya. Daha-dahan akong tumyo, pa-ika ika akong lumakad patungo sa pintuan, napasin kong nakatingin parin sa akin si NJ, nagbago din ang ekspresyon nito para bang nakonsensiya sa ginawa niya sa akin.
Nakarating na ako sa pintuan, kagad ko naman pinihit yung door knob, pero...
"What are waiting for? Leave."
Dudugtungan ko sana ng 'Love me like you do' kaso nilagyan niya ng 'leave'. Sayang.
Nilingunan ko siya. "Ayaw."
"What do you mean 'no'."
"Ayaw mabuksan. Naka lock." pinihit ko ulit ang door knob pero naka-lock talaga ito.
BINABASA MO ANG
When I Was Here
RomanceNatasha Jane, simply known as NJ. Isang babaeng naghahangad magkaroon ng kaibigan na mapagkakatiwalaan niya at hindi siya lolokohin tulad ng iba. Isang araw napag-“tripan” niyang magiwan ng sulat sa isang puno. Pero hindi niya inaasahan na may tutug...