Part Six

160 86 14
                                    

|Part Six: Little Things|

"Enjoy the little things in life for one day you'll look back and realize they were the big things."

***

"Saan tayo pupunta?"

Kasalukuyan ako'ng nakasakay sa sasakyan ni Shades, kasama ang tatlong itlog at si NJ na nakangiting nakatingin sa labas. Napapalibutan ako ng mga lalaki. Nasa gitna kasi nila ako.

Si Shades nasa driver's seat, si Daniel naman ang nasa shotgun at kami nila NJ ang naka-upo sa passanger's seat. Ako pa ka'mo yung nasa gitna. Hindi talaga ako comportable.

"NJ, saan tayo pupunta?" inulit ko'ng tinanong. Hindi siya sumagot kundi isang ngiti ang unti-unting lumitaw sa kanyang labi.

Nangilabot ang buong sistema ko. Nag-karoon ako ng masamang kutob. Tahimik pa rin sila at tuloy-tuloy lang ang pag-dadrive ni Shades.

Pa-simple akong tumingin sa relo ko. 6:30 na, halos isang oras na ang lumipas at isang oras na kami'ng nasa sasakyan.

Napatingin nalang ako sa likod, tinitigan ang nalampasan na naming daan. Mukhang malayo na kami sa amin. Sobra. May natatandaan tuloy akong movie na napanood ko noon na nakikipag-kaibigan muna yung mga criminal sa mga i-tatarget nila tapos i-kikidnap tapos ichachop-chop yung katawan tapos ibebenta yung mga laman! Ayaw ko yun mangyari sa akin!!

Dapat pala hindi ko tinatanong kung saan kami pupunta. Dapat "Saan niyo ako dadalhin?"

Napansin ko na naging makitid ang daan pero simentado ito, marami din'g mga puno at halaman. Walang katao-tao. Nakaabot kami hanggang sa may pakurba na daan at doon ko nakita na may building sa dulo. Upon closer look mapapansin mo lang na isa ito'ng bahay. Mansion ka'mo.

Kahit gabi na at maliwanag ang lugar dahil sa sobrang dami ng mga ilaw na umaaligid sa mansion. Kanino naman to'ng mansion na'to?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglaang pumreno yung sasakyan. Napasubsob tuloy ako (pati na rin yung mga kasama ko)

"Aw! That hurts!" sigaw ni Daniel na tumama ang ulo sa salamin.

"Sorry" sabay peace sign niya kay Daniel at lumingon ito sa amin, "You guys alright. Sorry about that. I just got my driver's license last week."

"NJ" tawag ni Caleb.

"What?"

"Not you." inirapan niya pa ako.

Teng. Kaya ayaw ko ng may kaparehas na nickname.

Tumingin si Caleb kay NJ two *syempre ako yung one, ako po kaya yung original* sabay sabing, "Next time you drive."

"Certainly, but first we need to get out of here."

Nagtinginan muna sila at tsaka nila binuksan yung pintuan ng kotse. Sinabayan ko sila ng tingin habang isa-isa silang bumababa sa sasakyan. Kami nalang ni NJ (two) nalang yung natitira at mukhang wala itong balak na bumaba. Mas bumilis yung tibok ng puso ko. Baka mga cerial killer pala ang mga ito. Mga gwapong mamamatay tao to be exact.

"I-ikaw? Bakit di ka pa bumababa?" natatarantang tinanong ko sa kaniya. Tumingin lang ito sa akin sabay nilahad ang kamay niya.

"Tara?" nanlaki ang mata ko. Nagtagalog siya?! Tss. Huwag kang magpaepekto Natasha, nagtagalog lang yung tao. Tiningnan ko lang ang kamay niya na naka-lahad. Nagdadalawang isip kung hahawakan ito.

When I Was HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon