Note: Hellow :3
Please play the video by Amanda Lee while reading this chapter.
So I'm not much of a talkative person pero ipapakita ko ang pagpapasalamat ko gamit ng isang mahabang chapter ^_^
Thanks talaga
••••••••••••••••••••••
|Part Three: Blue Bookmark |
"Happiness is a friend taking out time with you."
✎✎✎✎
Pagkalito. Ang una kong naramdaman. Anong ginagawa nitong lalaking to? Bakit niya ako hinihinila? Bakit niya ako sinasamahan umuwi? At bakit hawak hawak niya ang kamay ko!? Naiilang na talaga ako sa ginagawa niya.
Malayolayo na rin kami sa school ng biglang maalala ko yung bike na sinasabi ni Charm na gamitin ko daw pagkailangan ko. Masasapok ko na sana yung sarili ko. Di sana kanina pa pala ako nakauwi.
"NJ, balik tayo may kukunin akong bike." napatigil naman siya sa paglalakad at nilingunan ako. Yung itsura ng mukha niya parang sinasabing, totoo-ba-yan-sinasabi-mo-o-tatakasan-mo-lang-ako.
"Totoo yung sinasabi ko. Tara na." binitawan naman niya yung kamay ko. Tumalikod kagad ako at nagsimulang lumakad pabalik sa school kaya wala na siyang ibang ginawa kundi sundin nalang ako. Sa totoo lang akala ko iiwan niya na ako.
Pagkarating ko lang sa bike sumakay kagad ako at sinimulang paandarin ito. Pagkakataon mo na to Natasha. Tumakas ka na! Makakalabas na ako ng gate ng biglang---
"Where do you think your going." sabi ni NJ na ngayong nasa harapan ko. Kagad ko tinigil naman yung bike. Napasubsob pa ako.
"A-ano sa tingin mo ang ginagawa mo! Muntik na kitang mabangga, wala akong pangbayad sa pangospital mo!"
"C'mon it's just a bike. Your over reacting." umiling pa ito. "Anyways back to my question. Where.Do.You.Think.Your.Going."
"Ta-tanong? Tanong ba yan parang hindi."
"Just answer me." nilapit niya sa akin yung mukha niya.
Ah! Yung puso ko bumibilis ang pagtibok. Sobrang lapit niya sa akin!
"A-ano..." napapikit nalang ako ng mata. Wala siya sa harapan mo Nash. Wala.
"Natasha?"
"..."
"You okay?"
"..."
"Hey!" niyugyog niya pa ako kaya napadilat ako ng mata.
"Oo tama na, gusto ko lang kasi umuwi." tiningan niya lang ako at binitawan niya ang pagkakapit niya sa bike. Naisip kong parang naggigive way na siya kaya sinimulan ko nang paandarin ulit yung bike pero kumapit nanaman siya sa bike kaya tumigil nanaman ito.
"Bakit? Uwi na tayo ano pa bang kailangan mo?" tanong ko sa kaniya.
"What are you? Lucky? I'll walk while you ride a bike?" tinitigan nanaman niya ako ng mga ilang segundo pero yung sunod niyang sinabi ang nagpatama sa akin.
"After all I've done, huh?"Aw!! Ang sakit. Parang sinampal ako. Pero tama siya ang dami niyang ginawa para sakin, naguguilty tuloy ako. Sinulyapan ko siya nakita ko naman siyang nakayuko ang ulo niya. Mas naguilty tuloy ako.
BINABASA MO ANG
When I Was Here
RomantizmNatasha Jane, simply known as NJ. Isang babaeng naghahangad magkaroon ng kaibigan na mapagkakatiwalaan niya at hindi siya lolokohin tulad ng iba. Isang araw napag-“tripan” niyang magiwan ng sulat sa isang puno. Pero hindi niya inaasahan na may tutug...