| Chapter Nine: The Past |
"The past just keeps on hunting me."
***
Bakit kanina pa sila tumitingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha? Hindi magkaparehas ang suot kong sapatos?
Bumababa ang tingin ko sa sapatos ko. Magkaparehas naman ah. Napangiwi ako habang binalik ko ang tingin ko sa mga taong nakatingin sa akin.
Hindi ko maexplain yung kung anong ibig sabihin ng mga itsura nilang tinatapon sa akin. Yung iba parang nag-tataka. Yung iba parang maasim ang tingin nila sa akin. Tapos yung iba nanlaki ang mga mata nila habang nagbubulungan sa isa't isa.
Ano nanaman ang ginawa ko? Isa lang naman ang ginawa ko kahapon. Baka may sumunod sa amin kahapon na tiga dito sa school at pinagpipicturan kami. Hindi lang isa ang kasama kong lalaki lima pa sila! Dalawang salita na ang pumasok sa isipan ko.
"MALANDI!"
Ah!!! Paano kung nalaman kaya nila na nakituloy ako kina NJ? At ang mas malala pa sa natulog ako sa kwarto ni NJ na naka-lock at kaming dalawa lang. Isa ng salita lang ang lumitaw sa isipan ko.
"SUPER MALANDI!"
Ang pinaka-iingat ingatan kong "quite image" masisira na...
Sa ganitong sitwasyon isa lang ang pwede kong gawin...
Tumakbo!!!
After 100 years later
Joke lang.
Nakarating ako sa classroom; Hingal na hingal.
"Huy Natasha. Kamusta ka?" napatingin ako sa harapan ko. Si Greece, kasama niya yung mga kaibigan niya. "Akala namin may masama nang nangyari sa'yo." pagtutuloy nito.
"Ha? Bakit naman?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ka kasi pumasok sa klase kahapon. Nag-alala nga yung si Sir Rich. Bigla ka kasing nawala noong P.E."
"Ganyun ba..." napakamot nalang ako ng ulo.
"Uhm, Natasha?" biglang tawag sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Greece.
"Bakit?"
"Ano kasi..." ang ikinagulat ko pa namula bigla ang mukha nito. Bigla siyang pinagtutulak at pinagsisisko ng mga kaibigan niya. Napanganga nalang ako. Anong problema ng babaeng 'to?
"Si-sino si-siya?" sabay turo sa may likod ko. Napakunot ako ng noo at lumingon sa tinuro niya. Nanlaki ang mata ko at napapanganga; nanaman.
"Ca-caleb?" paninimula ko.
"Anong ginaga--" hindi pala siya nakakaintindi ng tagalog. "What are you doing here?"
"Shades. Where is he?"
"Si Shades. Um... maybe he's at the back of the school. You know, the place where the indoor swimming pool is." sagot ko sa kanya.
Tumingin lang ito sa akin ng mga ilang segundo saka tumalikod para umalis.
Wow. Parang hangin lang na dumaan. Di man lang nag thank you?
"Sus. May attitude si guy. Parang maala bad boy." bulong ng kasama ni Greece.
"Okay lang basta pogi."
BINABASA MO ANG
When I Was Here
RomanceNatasha Jane, simply known as NJ. Isang babaeng naghahangad magkaroon ng kaibigan na mapagkakatiwalaan niya at hindi siya lolokohin tulad ng iba. Isang araw napag-“tripan” niyang magiwan ng sulat sa isang puno. Pero hindi niya inaasahan na may tutug...