| Part Thirteen: Home |
"What is home? Home is everywhere as long as I'm with you."
***
The chapel, ang unang pinuntahan ko pagkababa namin sa sasakyan.
Maraming pinagbago yung chapel; Bagong pintura na to. Dati white and brown ang kulay, ngayon silver and royal blue na.
Hindi ko talaga inaasahan na babalik ulit ako dito, and hey, malayo 'tong lugar na 'to. 5 hours ang binyahe namin ni Nj para lang makarating dito, pero parang isang oras lang dahil masayang kasama si Nj. Naglolokohan kami, nagusap at pinipicturan ko siya habang nagda-drive siya. Even in a stolen shot gwapo pa rin siya.
Napangiti ako habang unti-unting lumapit sa pintuan ng simbahan. Nanginginig ang kamay ko habang kumapit sa dalawang knob ng pintuan. Huminga ako ng malalim at pinihit ang magkabilang door knob.
Pagbukas ko ng pintuan nakita ko kagad si Nj sa mismong gitna ng altar. Kumikinang ang mata niya habang nakatingin sa akin. Hindi nawawala ang ngiti niya sa labi.
I clasped my hands together. Naramdaman ko na nanlalamig ang magkabilang kamay ko.
Nervous?
Yes. Nervous ako. Dahil nasa harapan ko na ang lalaking matagal ko nang gustong makita. Pati rin nung nasa sasakyan kami. Hindi ko makakalimutan yung sinabi niya. Parang tape na paulit-ulit na nagre-rewind sa isip ko.
"Nj? Yes I'm him. I missed you. Nj"
Hindi talaga ako makapagsalita nung sinabi niya yun. All these years naghahanda ako kung anong sasabihin ko kay 'Nj' pag nakita ko na siya, pero... lahat ng paghahandang yun natapon at nasayang. Umurong kagad ang dila ko pagkasabi niya na siya nga si Nj. I knew that that was coming, alam kong siya si Nj the moment I laid my eyes on him. Mabait siya, palabiro (minsan) at parang may connection kaming dalawa. May spark e.
Alam mo yung feeling na nagme-memorize ka nang pagkahaba-haba na poem na ire-recite mo sa harap ng buong klase. Makalipas ang ilang araw namemorize mo na yung poem at sigurado ka ng ready ka na, pero nung humarap ka na sa harap ng klase namental block ka. Ganyung yung naramdaman ko kanina.
Kinawayan niya ako habang nakangiti, bumaba siya sa altar at lumakad papunta sa direksyon ko in a straight line. Nakangiti parin siya hanggang sa makalapit siya sa akin.
"You're a bit flustered. You okay?"
Kagad ko sinapo ang mukha ko. Mainit nga. Pulang pula siguro ako.
"Oo okay lang ako. Naiinitan lang." I gave him a reassuring smile.
"Do you like the new look of the chapel?"
Sa sobrang focused ko kay Nj nakalimutan kong tingnan yung chapel.
"Hindi ko pa masyadong natingnan ng maigi."
"Let me show you around then." nilahad niya ang kamay niya. Tinitigan niya ako na para bang humihingi ng pahintulot na hawakan ang kamay ko. "Will you, madame?"
Nagpigil ako ng tawa at pinatong ang kamay ko sa palad niya. "Well thank you my good sir." sabi ko in a british accent.
Nakita kong kinakagat ang labi niya. Nagpipigil din siya ng tawa. Knowing we share the same fate hindi ko na napigilang tumawa. Nang makita niyang tumatawa ako nakitawa na rin siya.
We burst out laughing our buts off like there's no tomorrow. We didn't care if our laugh is echoeng in every corner of the chapel.
***
BINABASA MO ANG
When I Was Here
RomanceNatasha Jane, simply known as NJ. Isang babaeng naghahangad magkaroon ng kaibigan na mapagkakatiwalaan niya at hindi siya lolokohin tulad ng iba. Isang araw napag-“tripan” niyang magiwan ng sulat sa isang puno. Pero hindi niya inaasahan na may tutug...