Makaraan ng ilang araw at naplano na nila ang kanilang lakad patungo sa ibang bansa. Ngayon naman ay namimili na sila ng kanilang mga kailangan dahil ilang araw nalang ay aalis na sila.
"Ate! Ate Athena!" Tawag ni Jane, ang nakababatang kapatid ni Athena.
"Oh, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Athena.
"Sabi ni Mommy sumunod daw ako sainyo eh."
"Ah. Osige Tara na."
Nakailang ikot ang magkakaibigan nang maisipan na nilang umuwi pero kumontra si Driana, "Wag muna. Gala pa tayo. Aalis rin naman tayo eh."
"Sige na nga, maaga pa naman." Sagot ni Sophia.
"Pwede sa park tayo?" SIngit naman ni Jane.
Pumayag naman ang tatlo kaya pumunta na sila doon. Ngunit hindi nila inaasahan na nandoon rin ang barkada ni Kevin.
"Tignan mo nga naman, andito ang 'Angels'!: Bati ni Drake Morsi. Anak ng business partner ng magulang ni Driana.
"Bawal ba?" Sagot ni Driana.
"Hindi naman. Libre naman itong park eh." Sagot naman ni Kevin.
"Ate Athena, dun muna ako sa swing."
"Sige, samahan kita?" Tanong ni Athena kay Jane.
"Ako nalang. Tara Jane." Aya ni Kevin.
"Ehem. Anong meron?" Asar ni Sophia.
"Walang lang yun." Sagot ni Athena.
At nagpatuloy sa paglalakad ang tatlo, malayo lamang dun sa iba. Nang makahanap ng pwesto ay pinag-usapan na nila muli ang mga gagawin nila sa Greece. Napagkasunduan nila na bukod sa susubukin ang iba't ibang pagain doon dahil pangarap nilang tatlo ang magkaroon ng sariling restaurant, ay maghahanap din sila ng iba pang pwedeng gawin para maging negosyo katulad ng sa mga magulang nila,
"5pm na pala. Kailangan na naming umuwi ni Jane." Sabi ni Athena.
Nang tawagin na ni Athena ang kapatid niya, nagsabi si Kevin na ihahatid niya yung magkapatid,
"Hatid ko na kayo. May pinapakuha rin naman si Papa kay Tito."
Pumayag ang dalawa at umuwi narin ng sabay sina Sophia at Driana. Hiwalay din na umalis si Drake at yung isa na si Luther. Si Luther Fray ay anak ng co-founder ng kumpanya ng pamilya ni Sophia.
BINABASA MO ANG
Dakip
Teen FictionMagkakaibigan na gusto lamang ay makapag bakasyon sa Greece. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi magiging masaya ang pag-iibang bansa nila.