Chapter 7

4 0 0
                                    

Isang araw, may kumatok sa pintuan nila. Dali daling pumunta si Kevin sa monitor para mabantayan.

"Package for Sophia Bliss!" Sigaw nung lalake.

Agad pumunta si Sophia sa pintuan, nanghingi ng permiso kay Kevin at pumayag ito. Kinuha ang padala ng magulang at nakita ang laman. Mga gamit niya at nung iba pang kasamahn.

"Mukhang matagal tagal pa tayo dito ah. Pinadala na nila halos lahat ng gamit natin." Reaksyon ni Drake nang makita ang kanilang gamit.

"Dapat nga hindi eh. Mahahalata na wala tayo sa Pilipinas." Hirit ni Driana.

"Wala na tayong magagawa, halos wala na tayong gamit dito eh." Sagot ni Sophia.

At kinuha na nila ang kanilang pag-aari at inayos na sa kanilang kwarto. Magdadalawang linggo na sila sa Greece, hindi parin sila pinapayagan umuwi.

"Gusto ko ng umalis dito." Imik ni Driana sa kanyang mga kaibigan.

"Ako nga rin eh. Pero isang buwan kasi ang paalam natin." Sabi naman ni Athena.

Natahimik ang lahat sa pagtunog ng telepono nila. Alam nilang isa iyon sa mga magulang nila dahil sila lang ang may alam kung ano ang kanilang number sa bahay. Nang sagutin ito ni Sophia ay bigla siyang namutla. Pagkababa ng telepono ay mangiyak-ngiyak siya. Nang tanungin siya ng mga kasama, ang sagot niya ay,

"Hawak na nila lahat ng magulang natin. Paghindi daw tayo umuwi at ibigay ang kailangan nila... Papatayin nila silang lahat."

DakipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon