Lumipas ng tatlong araw, lilipad na ang magkakaibigan patungong Greece. At nang makarating sila doon sa hotel kung saan nagpareserve na ng kwarto ang kanilang magulang para sakanila. Pag-akyat nila ay hindi nila inaasahang makiikita ang tatlong lalake na kinakagalitan nila simula pa lamang noong bata sila.
"Ano ang ginagawa niyo dito?" Pagtataray na tanong ni Driana.
"Akala niyo ba na hahayaan kayo nila Tito at Tita na pumunta dito ng kayo lang?" Sabi ni Kevin, "Kaya imbis na body guards ang ipadala, kami nalang."
"Bakit kaya kayo eh." Bulong ni Sophia.
"Mas may tiwala kasi sila sa amin." Sagot ni Luther.
Alam nang mga babae na hindi sila makakaangal pa maya't hinayaan nalang nila ito. Kaya kung saan man sila pumunta, nabuntot sa kanila yung tatlong lalake.
"Hindi ako natutuwa sa arrangement na to." Angal ni Driana.
"Hayaan mo na, hindi naman nila tayo pinapakealaman eh." Sagot naman ni Sophia.
BINABASA MO ANG
Dakip
Teen FictionMagkakaibigan na gusto lamang ay makapag bakasyon sa Greece. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi magiging masaya ang pag-iibang bansa nila.