Chapter 5

4 0 0
                                    

Natahimik ang magkakaibigan nang tumunog ang telepono ni Kevin. Text message galing sa kanyang Ama, sabi:

"Anak, wag muna kayong umuwi dito sa Pilipinas dahil delikado pa dito, May nagbabanta sa amin na kapag hindi namin ibigay lahat ng pag-aari ng kumpanya ay kukunin nila kayo. Kung aabutin kayo ng ilang buwan dyan, okay lang, basta ligtas kayo. Magpapadalanalang kami ng mga kakailanganin niyo."

Pagkabasa ni Kevin ay agad niya itong binalita sa mga kasama.

"Eh di nanganganib nga tayo? Pati yung mga magulang natin?" Tanong ni Drake.

"Oo, kaya hangga't maaari tulungan tayo sa pagprotekta." Sabi ni Luther.

Bilang mga anak mayaman, may mga pagsasanay ng nagawa ang bawat isa simula kaya maalam sila kung paano nila maproprotektahan ang kanilang mga sarili.

"Simulan na natin ang pagpalano ngayon." Suggest ni Athena

DakipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon