Pumunta ang mag-anak sa kumpanya at doon nga nakita si Victor na kausap ang mga empleyado, "Ako na ngayon ang bago niyong boss. Hindi na muling mamamahala ang mga Blare at Morsi."
Pumasok sa likod ang mag-anak kaya hindi sila napansin ni Victor at nang pag-akyat niya ay may nakaabang na sakanya.
"Aba Mr. Santiago, nakapahaba naman ng speech mo at naunahan ka pa namin dito sa office mo." Bati ni Mr. Blare, ama ni Driana.
Bubunot sana siya ng baril nang pigilan ito ni Drake na nakaabang sa may pinto, "Subukan mo lang kunin, mamamatay ka."
"Bakit hindi mo ituloy?" Tanong ni Victor
"Gustuhin ko man pero hindi ako kagaya mo na criminal !" Sagot ni Drake.
Biglang inatake ni Victor si Drake at tinutukan ng baril, "Akala mo na mas magaling ka sakin, hijo? Mas nauna parin akong pinanganak kesa sayo."
"Kaya mas madali ka naming mapapatumba." Sabi ni Kevin sabay pinukpok sa ulo si Victor.
Dumating naman ang mga pulis kaya nahuli na si Victor at sisiguraduhin na hinding hindi na sila guguluhin nito.
"Ayan. Tapos na tapos a ang panggugulo ni Victor satin." Sabi ni Luther.
At totoo nga, hindi na muling nanggulo sakanila si Victor na ngayo'y nasa kulungan padin. Natulong narin ang mga bata sa pagpapatakbo ng kumpanya at may kanya kanya naring mga negosyo.
BINABASA MO ANG
Dakip
Teen FictionMagkakaibigan na gusto lamang ay makapag bakasyon sa Greece. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi magiging masaya ang pag-iibang bansa nila.