Chapter 4

12 0 0
                                    

Isang buwan ang pagbabakasyon nila doon. Tutol ang kanilang mga magulang ngunit wala silang nagawa dahil magagaling sa pakikipagtalo ang kanilang mga anak. Maayos naman ang unang linggo nung magkakaibigan. Hindi narin sila naiinis sa mga lalake dahil natutunan nilang pakisamahan ang mga ito.

Ngunit mayroong hindi napapansin ang magkakaibigan, yung mga tao na laging nakasunod sa kanila. Madalas nakacasual na suotkaya hindi nakakaduda pero kung oobserbahan ay kung nasaan man ang mga bata ay nandoon din ang mga ito. Pero isang araw ay nahahalata na ito ni Luther. Bilang ang pinakatahimik sa anim, magaling siya sa pag-oobserba. At tiyak na napapansin niya ito. Hanggang sa binanggit niya ito sa grupo,

"Alam niyo ba na parating may nakasunod satin?" Panimula ni Luther.

"Ha? Sa dami ng tao at turista dito. Malamang may makikita tayong pamilyar."  Sabi ni Driana.

"Oo nga, tsaka malay mo nawalan na ng tiwala sainyo sila Mama kaya nagpadala na ng secret body guard." Singit naman ni Athena.

Nagtawanan yung dalawa pero napatahimik nung nagsalita si Sophia,

"Parang tama si Luther. Napapansin ko din sila eh. Kahit saang restaurant, kahit saang tourist spot na puntahan natin, nandoon sila. Lagi silang nakaitim diba?"

Tumango si Luther.

"Imposible na pagkakataon lamang iyon dahil nakaisang linggo na tayo dito." Pagpapatuloy ni Sophia.

DakipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon