Pilipino yung lalake at tingin nila ay tauhan ito nung dating kasama ng magulang nila sa isang negosyo.
"Bakit naman babalikan pa nito magulang natin eh matagal ng na bankrupt yung negosyo?" Tanong ni Drake.
"Diba nga, siya yung sinisisi kung bakit nabankrupt yung negosyo. Tsaka dating kinasuhan siya ng pagnanakaw nila Mama." Sagot ni Sophia.
Isa sa mga pinagtatakahan nila ay kung bakit kinakailangan pa nung lalake na balikan ang magulang nila kung siya naman ang kusang umalis sa kumpanya. Hindi rin naman napatunayan na nagnakaw siya doon.
Kaya lalong pinagbutihan ng magkakaibigan ang pag-eensayo dahil hindi lang para sa magulang nila kung bakit sila lalaban. Dahil din nasa masasamang taong ang kanilang kaibigan na si Driana. Makalipas ang ilang oras ay nalaman na nila yung pangalan nung lalakeng nagpasimuno ng lahat na ito.
"Siya si Victor Santiago. Nagmamay-ari ng isa sa mga corrupt companies, ang Santiago Group of Companies. Kilala sa pagnanakaw ng mga ideya ng ibang kumpanya kaya hindi ganoon katanyag ang trabaho." Ayon sa naresearch ni Athena.
"Kaya naman pala kailangan niya ang mga dokumento ng mga kumpanya natin." Banggit ni Kevin.
"Magagaling din magulang natin at naisipan nilang itago yun sa mga isip ng kanilang mga anak. Bagong paraan din yun ah. Kaya pala napakaprivate ng trainings natin." Hirit ni Athena.
BINABASA MO ANG
Dakip
Fiksi RemajaMagkakaibigan na gusto lamang ay makapag bakasyon sa Greece. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi magiging masaya ang pag-iibang bansa nila.