Nasunod ang unang plano. Nagpadakip nga sila at nadala dun sa warehouse, ang hindi lang nila inaasahan ay makita na nakabitin si Driana sa kisame.
"Anong ginawa niyo sakanya?" Sigaw ni Drake
May tumawa at sabi, "Wag kayong mag-alala, hindi pa patay ang inyong kaibigan. Pero mamamatay nga siya kung hindi niyo ibibigay sakin ang aking kailangan." Nang lumabas yung nagsalita, nakita nila na iyon ay si Victor.
"Wala kaming alam dyan. Kaya pakawalan mo kaibigan namin." Sagot ni Athena.
"Anong akala niyo sakin? Mangmang? Alam ko kung pano kayo pinalaki. Alam ko na sainyo itinago ang mga dokumento. Kaya ibigay niyo na nang walang masaktan. Lalo na ikaw kevin."
Nakatungo lamang si Kevin, walang tinitignan kung hindi ang mga palad. Sa palad niya nakaukit ang pinakaimportanteng code upang maaccess ang centro ng kumpanya.
"Hinding hindi mo makukuha ang gusto mo dahil wala samin." Sigaw ulit ni Athena. Alam niya kung ano ang sinasabi ni Victor tungkol kay Kevin.
Nagalit si Victor at sumigaw, "Mga walang kwentang bata! Alisin sa harap ko yan. Isama narin ang nakabitin na babae."
At dinala sila sa isang kwarto sa baba ng warehouse. Agad namang pinuntahan nila Sophia at Athena si Driana na puro hiwa ang braso.
"Anong ginawa nila sayo?" Tanong ni Sophia.
"Nasa braso ko kasi yung mga codes kaya minarkahan nila. Lahat tayo, inukitan nung mga bata pa lamang. Ako sa braso, si Kevin sa palad, Sophia sa pisngi, Athena sa batok, si Drake sa likod at si Luther naman sa binti." Sabi ni Driana.
" Pano mo nalaman ang lahat ng ito?" Tanong ni Luther.
"Dahil nga, alam ni Victor lahat. Andoon siya nung inukitan tayo. Pero nung malaman ng mga magulang natin na ang balak niya pala ay kunin tayo at ang kumpanya, binantaan nila siya at kusa siyang umalis. Matagal na niyang pinaplano ang lahat na ito. Alam niya ang bawat galaw natin, hindi tayo makakaligtas hangga't hindi niya nakukuha ang kailangan niya." Pagpapaliwanag ni Driana.
BINABASA MO ANG
Dakip
Teen FictionMagkakaibigan na gusto lamang ay makapag bakasyon sa Greece. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi magiging masaya ang pag-iibang bansa nila.