Chapter 15

4 0 0
                                    

Ilang araw ang nakalipas, hindi parin napapaimik ni Victor ang mga bata tungkol sa kanilang mga nalalaman.

"Ugh. Di ka pa ba naiinip? Ang tagal  na namin dito. Tanggapin nalang na wala kang mapipiga samin." Angal ni Drake.

"Ganon ba? Kunin ulit si Driana!" Utos ni Victor.

Dinala si Driana sa isang kwarto at kinausap ito ni Victor, "Ikaw ang anak ng nakatuklas sa kumpanya, alam kong ikaw ang may pinakamaraming alam."

"Wala akong alam doon. Hindi ko pinapakealaman ang magulang ko sa pagpapamahala ng kumpanya." Sagot ni Driana.

"Pwes, wala ka palang silbi sa akin. Isama ito sa magulang niya at kunin ang iba pa." Sigaw ni Victor.

Nagkasama-sama ulit sila kaya kinausap ulit sila n Victor, "Huli na ito, ibibigay niyo ba sakin ang kailangan ko o hindi?"

"Tingin mo?" Sagot ni Driana.

"Osige. Patayin sila" Utos ni Victor at umalis na.

Hindi niya alam na may mga nakatagong kutsilyo ang bawat isa kaya natanggal na ang mga tali nila. Agad namang sinugod ang mga tauhan ni Victor. Pinakawalan na din nila ang kanilang mga magulang at nagyakapan.

"Mabuti nalang at hindi kayo masyadong sinaktan." Sabi ng Mama ni Sophia.

"Pero nakaalis parin si Victor." Sabi naman ni Athena.

"Isa lang ang maaaring puntahan non." Sabi ng Papa ni Kevin.

DakipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon