Prologue

228 8 1
                                    

Prologue


"Shahara Blur Calanthe, come back here!" Malakas ang sigaw ng ama ni Shahara. Ilang beses na itong sumigaw simula ng makita silang tumatakbo palayo ng mansyon.


Alam ni Shahara na kapag siya ay tumigil sa pagtakbo ay madadakip siya ng mga tauhan ng kanyang ama o ang mas masama pa nito ay kung madakip siya ng kanyang sariling ama, at iyon ang pilit na iniiwasan niya.


Kahit ano ang ginagawa ng kanyang ama sa kanya ay tinatanggap niya subalit iba ang kasong ito dahil nadamay na ang kanyang kakambal na si Herrine. Matagal ng alam ni Shahara walang awa pumapaslang ang kanyang ama at kinatatakutan ito dahil kahit siya ay kinatatakutan ito pero nagkaroon siya ng lakas para sa kakambal niya.


Kapos na sa hininga si Shahara subalit ay hindi pa rin siya tumigil sa pagtakbo. Nang malapit na siyang makapasok sa gubat ay nilingon niya ang kanyang kakambal na tumakbo sa ibang direksyon at laking tuwa niya dahil hindi ganoon karami ang humahabol rito. Being raised as an heir is already difficult and she knows why she has more guards running towards her than her twin sister.


Noon pa lang ay alam na niyang siya ang susunod sa yapak ng kanyang ama habang ang kanyang kakambal ay magiging anino niya. Anino niya habang-buhay at iyon ang ayaw niyang mangyari lalo na't kilala na niya kung sino ang mamaging nasa paligid nila.


Nang makita ni Shahara na sumakay ang kanyang kapatid sa itim na kotse ay saka niya tinanggal ang kanyang sapatos at mas lalong binilisan ang pagtakbo pero bago niya ito ginawa ay binato niya ang sapatos niya sa mga guwardiyang humahabol sa kanya. Mabibilis tumakbo ang mga alalay ng kanyang ama pero mas mabilis siya dahil sinanay niya ang sarili niya sa nakalipas na mga buwan para sa araw na ito.


Nang makarating siya sa isang puno na pinagtataguan niya ng kanyang bag ay dali-dali niya itong hinablot at habang tumatakbo siya ay kinuha niya sa loob ng bag ang isang plastic at saka binalot niya ang bag roon. Nang matanaw niya ang dulo ng gubat ay mahigpit niyang hinawakan ang kanyang bag at tinali niya sa kanyang braso ang dulo ng plastic.


Nang makalabas siya sa gubat ay naririnig niya ang sigaw ng mga tauhan ng kanyang ama subalit walang lingon-lingon at tuloy-tuloy siyang tumakbo hanggang sa dumating siya sa may bangin at tinalon niya ito. Yung kaba at takot na nararamdamain niya ay pinagsawalang bahala niya ito dahil para sa kanya ay mas importante ang makatakas siya kahit pa ang kanyang kalaban ay ang malakas na pagbagsak niya sa tubig na maaaring tumama ang kanyang ulo sa naglalakihang bato sa ibaba nito o kaya ay ang malakas na paghahapasan ng tubig sa isat-isa na maaaring hindi kayanin ng kanyang katawan.


Sa lakas ng alon ay hindi kaagad nakaahon sa tubig ang ulo ni Shahara at nang maiangat niya ang kanyang ulo ay laking pasasalamat niya doon. Tumingala naman si Shahara sa kanyang tinalunan at hindi niya na matanaw ang mga taong humahabol sa kanya, kaya nagmadali siyang lumangoy sa pinakamalapit na batuhan at kumapit siya roon upang pansamantalang magpahinga.


Makalipas ang ilang oras na pagpapahinga ay nagbakasakaling lumangoy muli siya at upang makarating sa tahimik na parte ng tubig alat. Sa tagal niyang lumalangoy ay hindi na niya alam kung gaano niya ito katagal ginagawa hanggang sa napagod siya at naisipang magpalutanglutang na lamang siya habang tinatanaw ang pag-angat ng biluging buwan.

The Great Dynasty Series 1: Kings & Queens [Season 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon