Chapter 1

81 5 0
                                    

Tutok na tutok ang mga mata ni Shabu sa kalsada habang pinalitan niya ang gear ng kanyang sasakyan upang bumilis ang takbo nito.


"Kaliwa!" Malakas na sigaw ni Rouxel kay Shabu ng hindi siya lumiko sa nilikuan ng kanilang hinahabol. "Shabu! Doon dumaan si Senator Fuentes!"

"Dumaan siya sa eskinita, Rouxel, at ang tanging labas niyan ay sa main road. Mas mabuti ng dito tayo dahil isang eskinita lang ang lalabasan niya." Malumanay na sabi ni Shabu sa partner niya ngayong araw.


Dalawang taon na ang nakalipas simula ng maging miyembro siya ng GD – Philippines at ilang beses na niyang naging partner ni Shabu si Rouxel sa mga misyon kaya sanay na siya sa pagkapraning nitong tao. Hindi niya gusto itong maging partner dahil may kakaiba siyang nararamdaman rito pero wala siyang magawa dahil ito ang ibinibigay sa kanyang partner hangga't wala siyang matinong maging partner.


Rouxel is a man that is full of himself. He is good in terms of combat skill and Shabu has nothing to complain to that but every time he opens his mouth, Shabu is pissed. Sometimes she is thinking that maybe because she knows she could do what all her partners could that piss her off. But she was pissed every time her partner is a male.


Well, there's Alphonse and I am not pissed at him. How I wish I could be partner with him again.


Napangisi si Shabu ng makita niya ang kulay asul na Dodge Ram Truck na palabas ng eskinitang tanging paglalabasan nito kaya lalo niyang binilisan ang takbo ng sasakyan at tamang-tama na binangga niya ang hood ng kotse nito na naging dahilan upang natigilan ang sasakyan at nagmadaling lumabas si Rouxel upang makuha ang senator.


"Putangina naman, Shabu! May balak ka bang magpakamatay?!" Galit na sabi ni Rouxel habang hawak-hawak nito ang senator na walang malay.

"Wala, pero patayin ka sa nerbyos meron." Komento niya na tatawa-tawa dahil nakikita niya sa mukha ni Rouxel ang pagkaputla nito.

"Tangina mo. Gusto ko pang mabuhay." Sabi nito at ipinasok na ang senator sa likod ng sasakyan at inandar na niya paalis ang sasakyan niya.


Binilisan niya ang pagmamaneha papuntang headquarters dahil gusto niya na magising ang senador na nasa kulungan na at panigurado kapag nagising ito habang nasa daan sila ay mag-eeskandalo ito at iyon ang hindi niya nanaisin.


Pagkarating nila sa headquarters ay nagpresinta na si Rouxel na ito na ang magdadala sa senador papuntang kulungan at hindi na siya umangal rito dahil may mga gagawin pa siya upang mawala ang video footage sa pagkuha nila sa senador.


Antonio Fuentes ay ang senador na nagsu-supply ng mga droga sa Pilipinas lalo na sa Manila dahil hindi kaya ng mayor ng Manila na kalabanin ang senador kaya sila ang nilapitan. Alam naman nila na kapag biglang nawala ang senador ay maraming magtataka at ito ang magiging trabaho ng Datu – ang namumuno sa organisasyon dito sa Pilipinas.


"Shabu," napalingon siya ng may tumawag sa kanyang likuran. Nakita niya ang naka-business suit na isa sa mga nagturo sa kanya noon.

"David." Pagbati niya.

"Balitang-balita sa baba ang misyong kasama si Rouxel." Nakangising balita sa kanya ni David.

The Great Dynasty Series 1: Kings & Queens [Season 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon