Chapter 11

28 2 0
                                    

Ilang araw ng hinayaan ng magkapatid na Yttrium at Yvangeline si Shabu dahil alam ng magkapatid na hindi maganda ang ala-alang nakita nito. Ngunit ngayong araw ay hindi na mapigilan ni Yttrium ang sarili ng at pinuntahan na ang babae.


Natagpuan niya itong nakaupo sa kama habang ang mga tuhod nito ay nakatiklop at nakapatong ang ulo nito.


"Shabu?" Mahina niyang pagtawag sa pangalan ng babae. Tumingin ito sa kanya at saka yumuko ito ulit. Napabuntong-hininga naman siya at tumabi rito at hinintay itong magsalita.


Hindi alam ni Shabu kung ilang minuto o oras na nakaupo sa tabi niya si Yttrium at hindi ito nagsalita. Sa ilang araw niyang pag-alaala sa unang nawalang memorya ay hindi niya akalaing ganoon kalambing sa kanya ang kinilalang ama.


Simula ng magising siya sampung-taon na ang nakakaraan ay nakita niya itong strikto at halos kamuhian niya. Ibang-iba iyon sa memoryang nakita niya. Ang iniisip niya ngayon ay kung totoo kaya ang mga emosyong nakita niya o iyon lang ang gustong ipaalala sa kanya?


"Kain na tayo?" Iyon ang unang beses na nagsalita ang lalaki mula ng tumabi ito sa kanya. Tinignan naman niya ito at ngumiti ito sa kanya. "Ilang araw ka ng hindi lumalabas at mula noon hindi ka pa kumakain."

"Si Yvangeline?"

"Umalis muna pupunta muna sa mga anak sa London." Paliwanag ng binata at tumango naman siya.


Habang kumakain sila ay kinukwento ni Shabu ang naalalang memorya at ang ilang araw na hindi siya nakakausap ay may mga ala-ala siyang napanaginipan kaya lalong nagulo ang isipan niya.


"Hindi ako makapaniwalang ganoon kabait si Cyanide." Sabi ni Yttrium habang naghuhugas ng pinggan.

"Kaya nga gulong-gulo ang isipan ko." Paliwanag ni Shabu,

"Just a suggestion," panimula ni Yttrium at nilingon siya. "Talk to your mom, she knows the truth if your memories are real or just what your mind wants to know."


Matapos mag-usap nila ni Yttrium ay nanatili muli siya sa kwarto niya at pinag-isipan ang ibinigay na mungkahi ng binata. Alam naman niyang tama iyon pero may pumipigil siya at iyon ang kanyang iniisip kung bakit ayaw niyang malaman ang totoo.


Hindi niya alam kung ilang minuto o oras siyang paikot-ikot sa kanyang kwarto at nagtatalo ang kanyang isip at puso.


I know I am afraid. But in what?


Is it to know that Cyanide is not a cruel man like what I've experienced recently? Or the fact that Cyanide is not my father?


Humugot ng malalim na hininga si Shabu saka kinuha ang handset ng telepono na naroon saka tinipa ang numero ng bahay ng kanyang ina at ng tumunog ito ay kumabog ang kanyang dibdib lalong lumakas iyon ng may sumagot na ng kanyang tawag.


"Sanders's Residence. Who is this?" Malumanay ang boses na sumagot at kilalang-kilala ni Shabu kung sino ang sumagot.

"H-hi. Si S-shabu po."

"Shahara, napatawag ka?" Rinig na rinig sa boses ng kausap ang gulat.

"May gusto lang po akong itanong kay mommy." Kinakabahang sabi niya sa kausap.

The Great Dynasty Series 1: Kings & Queens [Season 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon