Chapter 7

47 3 0
                                    

Chapter 7


Hindi na raw kailangang manghingi ng appointment o schedule si Shabu ayon kay Yttrium upang magkaroon sila ng session. Kahit ilang beses na niyang sabihin kay Yttrium na tatawag siya upang sa unang session ay hindi pumayag ito.


Hindi rin siya pinauwi muna sa condo niya dahil na rin sa posibilidad na mangyari hangga't hindi pa raw sigurado na ligtas roon kahit narinig niya isang araw na pumunta roon si Xanthus at sinabing maayos na raw roon.


Sa ginagawa ng lalaki ay para itong kasintahan kung umasta, iyon ang iniisip ni Shabu subalit hindi niya na lamang pinansin iyon dahil lalong sumasakit ang kanyang ulo kapag pinipilit niyang makaalala kaya lalo siyang naging determinadong makaalala.


"Hindi ba nakakahiya talaga sa kapatid mo?" Pang-ilang ulit na tanong na ni Shabu kay Yttrium habang nagmamaneho si Yttrium papuntang Lumbres Hospital.

"Sinabi ko na sa kapatid ko na pupunta ka at tinanong ko na sa kanya kung kailangan pang magpa-appointment. Siya na ang nagsabi sa akin na hindi na raw kailangan." Sagot naman ng lalaki sa kanya habang ang mga mata nito nasa kalsada.


Napabutong-hininga na lamang si Shabu habang pasimpleng sinulyapan ang lalaki. Kitang-kita rito ang komportableng pagmamaneho nito.


Sino ba naman ang magmamaneho ng komportable kung Maserati Quattroporte ang kotseng gamit? Isa lang naman ito sa mga bulletproof na kotse at alam na alam ni Shabu na mahal ang ganitong kotse.


Ducati ko namamahalan na ko ito pa kaya? Sabi niya sa kanyang isip.


Nang pumara ang kotse sa parking lot ng Lumbres hospital ay biglang kumabog ang kanyang dibdib. Ilang beses na niyang naririnig ang pangalan ni Yvangeline dahil sa pamilyang Jimenez at Briarwood pero kahit kailan ay hindi niya pa nakikita ito.



Alam na alam ni Yttrium ang pasikut-sikot ng ospital na halatang laging narito. Bago sila makarating sa opisina ng kanilang pakay na nadatnan nila si John na may bitbit na bata habang dinadala sa isang kwarto na mukhang ward room.


"Parte ba ang kapatid mo?" Tanong niya sa lalaking katabi. Tumango naman ito bago nagsalita, "Hypnosis division."

"First time kong narinig iyon." Gulat niyang sabi sa lalaki.

Natawa naman ito. "Alam ko dahil pagkatapos ng misyon niyo kinukulong niyo na sila. Hindi ka ba nagtaka kung bakit laging umaamin ang mga nakuha niyo?"


Sa sinabi ng lalaki doon lamang niya na napagtanto na sa tatlong taon niyang maging agent ay lahat ng nakukuha nila ay mababalitaan na naging whistle blower o umaming ginawa nila.


"Sila may gawa ng mga whistle blower?"

"Walang aamin sa mga tarantantong yun kaya hangga't maaari ang hypnosis division ang gumagawa ng paraan para umamin sila. Legal silang makukulong kung nais ng gobyerno pero kung ang mga tarantadong yun ay pinagtatakpan ng gobyerno diretso sila sa alam mo kung saan." Paliwanang nito.


Diretso sila doon sa impiyernong iyon.


The Great Dynasty Series 1: Kings & Queens [Season 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon