Chapter 5

48 3 0
                                    

Kadiliman at katahimikan ang nakikita at nararamdaman ni Halter at Shabu na nagpapahina ng kanilang isipan pero pinipilit nilang labanan ito. Hindi nila alam kung ilang araw o buwan na silang nananatili sa lugar na iyon at hindi rin nila alam kung saang lupalop sila ng Pilipinas.


Pinapakain naman sila at hindi sila ginagawan ng masama at iyon ang pinapasalamant nila. Tanging kinulong lamang sila pero alam ng dalawa na may mga balak pa ito kaya hindi pa sila sinasaktan at dahil roon kaya lalo niyang gustong lumaban.


Hindi na nila alam kung ilang araw o linggo silang naroon dahil lahat ng gamit na magpapakita ng oras ay inalis sa kanila. Laking pasasalamat na lamang niya at ang kapatid niya ay nakagapos ang isang paa nito kaya nalalapitan siya at napapakain siya nito kapag binibigyan sila ng pagkain.


Isang araw ay may pumasok upang magbigay ng pagkain nila at napalaki ang mata ni Shabu ng mapagtanto niya kung sino ang pumasok. Sumenyas ito na wag maingay at naglakad ito papunta sa kanila. Pagkalapag nito ng pagkain ay naramdaman ni Shabu na lumapit ito sa kanya at naramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang leeg pagkatapos ay dahan-dahan niyang naramdaman na nawala ang kadenang nakalagay rito.


"Five men outside are guarding this cell, all of them are armed. Yttrium and the others are on position, you need to escape. Both of you." Sabi nito at may inilagay sa bibig niya saka ito umalis.


Pagkaalis na pagkaalis ng isa sa mga pinadala ng GD ay nagmadali siyang tanggalin ang kagena sa kanyang pulsuhan gamit ng isang bobby pin na inilagay kanina sa kanyang bibig at ng matanggal niya ang kadena ay natanggal na niya ang mga kadena sa ibang parte ng kanyang katawan.


Nang matanggal na niya ang mga kadena ay nagmadali siyang lumapit sa kapatid niya at tinanggal rin ang kadena nito at napansin niya ang hawak nito. Isang mapa ng lugar.


"Ate Halter?" Pabulong niyang pagtawag sa kapatid niya.

"Sino yun bakit –"

"She's Cerise Bachelor, kaibigan ng may ari sa katabi kong condo." Kwento ni Shabu habang tinatanggal ang kadena ng kapatid. Tumingin siya sa mga mata ng kapatid, "all this time, they are looking for us. I am sure they waited the right time to save us."

Tinignan siya ng kapatid niya na may ngiti sa labi, "let us plan our escape in this room."


Tumango naman si Shabu at nagsimula na silang magplano. Kasabay ng pagplano nila ay ang kagustuhan niyang makita muli ang lalaking tumulong sa kanya nung bago sila madakip at hindi niya alam kung bakit.



Simpleng nakaupo si Yttrium sa may likod ng bukas na pintuan ng sasakyan na magdadala sa kanila sa lugar. Nasa parking lot pa sila ng building ng ng Smith Corp kung saan nakakonekta ang underground building ng GD.


Mabilis na hinugot ni Yttrium ang kanyang cellphone ng marinig niyang tumunog it at napangiti siya ng makita niya ang mensahe ni Cerise Bachelor sa kanya.


Map given.

PS: She was tied like a pig. I gave her a pin to unlock her chains.


Huminga muna siya ng malalim bago sinabi sa mga naroon as paligid.


The Great Dynasty Series 1: Kings & Queens [Season 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon