Chapter 10

35 2 0
                                    

Lunod na lunod si Shabu sa init at at sensasyong nararamdaman niya sa paghahalikan nila ni Yttrium. Hindi niya alam kung matatapos ba ito paglalabanan ng kanilang mga dila o kung mapupunta ito sa ibang bagay.


Hindi inaasahan ni Shabu na ang kanilang paghahalikan ay matatapos na at ng tignan niya ang lalaki sa mga mata nito. Hindi niya mawari kung anong emosyon ang nakikita niya sa mga mgata nito.


"Ten years, waiting for you for ten years and the effect you have on me is still the same." Komento ni Yttrium habang nakatingin sa kanya.


Matapos ang nangyari ay tahimik si Shabu buong araw na nagbibigay ng kaba kay Yttrium. Alam ni Yttrium na mali ang paghalik niya rito at hindi na niya mababawi ito. Alam rin niya na maaaring ito ang maging dahilan upang tuluyang umalis sa kanya ang babae kaya isang bagay na lamang ang kanyang naisip at tinawagan ang kapatid upang pagmadaliin itong makarating sa Isla.


Nakatingin lamang si Shabu kay Yttrium habang may ginagawa ito sa laptop nito. Ilang linggo pa lang niya itong nakakasama pero sobrang gaan na ng kanyang pakiramdam rito at naalala na naman niya ang nangyari ay hindi niya maiwasan na dumampi ang kanyang daliri kung saan naglapat ang labi ng lalaki at hanggang sa oras na ito ay ramdam pa rin niya ang mga haplos ng lalaki sa kanyang katawan.


Napalingon siya sa pinutan ng may kumatok roon kaya naging alerto siya sa paligid pero napansin niyang komportableng naglalakad si Yttrium kaya marahil ay kilala nito kung sino ang kumatok.


"Mabuti naman at pinayagan ka ng magbakasyon?" Sabi ni Yttrium sa taong nasa labas ng binuksan nito ang pintuan.

"Dapat nga noong isang araw pa ko rito." Sabi ng kausap at pumasok na ito ng tuluyan sa loob ng bahay.

"May nangyari ba?" Nakatingin lamang si Shabu sa magkapatid nag-uusap ang dalawa.

"Same old problem." Sabi ni Yvangeline.

"Are the kids safe?" Hindi na napigilan ni Shabu na sumingit sa usapan.

"Yeah, nasa London sila ngayon at nang masigurado ko sila na ayos ang pamilya ko pumunta na ko rito." Lumingon ito sa kanya at saka ngumiti ng matamis. "This treatment is crucial for you."

"Handa ako." Sabi niya at tumango naman ang babae. Iniwanan naman sila ni Yttrium upang siguro ay bigyan sila ng privacy sa gagawin nila.



Ilang araw ang nakalipas simula ng nagsimula ang session ni Shabu at araw-araw ay nahihirapan siya. May mga ala-ala siya na kailangang balikan na lagi niyang napapaginipan at tuwing natatapos iyon ay hinahanap niya ang lalaki dahil makita lamang niya ang mukha ni Yttrium ay bumabalik ang ala-alang sinabi nito sa kanya.


Malaki rin ang kanyang pasasalamat sa lalaki dahil hindi sila pinapabayaan nito. Hindi man niya ito laging nakikita ay nararamdaman niya ang pag-aaruga nito sa kanila.


Nakatingin siya ngayon kay Yttrium na may kausap sa telepono at mukhang inis na inis ito. Natatawa pa siya dahil halata sa mukha nitong naiisin pero iba naman ang sinasabi nito sa kausap.


"Mukhang si Grayson na naman ang kausap ni Yttrium." Sabi nito.

"Sino si Grayson?" Tanong niya rito pero nginitian lamang siya ng makahulugan.

The Great Dynasty Series 1: Kings & Queens [Season 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon