Alea POV'S
Wahhh masyadong magulo ang araw na to. Grabeng-grabe tong araw na to ihh nyawiii. Akalain mo yun??? Nakita kona sya, naka-sama, at higit sa lahat nayakap at nalaman ang totoo.
'Thanks Lord dahil ibinalik mo sya sa akin' pag papasalamat ko kay Lord.
Btw andito ako ngayon sa kwarto ko. Kanina pa ako nakauwi at nakahilata parin ako. Sila? Siya? Sila nasa kani-kanilang kwarto. Sya nag-uwi na sa kanila syempre alangan naman isama ko yun dito.
Masyadong madaming ngyari sa araw na ito. Nyawiii lang hahaha pero ok lang masaya naman ako at nakita kona sya. Bukod pa dun makakasama ko pa sya hehehe.
Tiningnan ko ang cp ko dahil tumunog ito. Pag-tingin ko saktong 06:06 kaya naman.
'06:06 thank you bumalik kana. Namiss kita sana wag mona ulit ako iwan. I love you'
Pumunta na akong message dahil may nag text.
To: Kuya Prince
Kumain kana ba? Si kuya nag kain na. Kain na ikaw babygirl. Take care and keep safe. See you tomorrow babygirl goodnight tutulog na si Kuya.
Napangiti ako sa nabasa ko saka mabilis na nag-reply.
From: Babygirl
Di pa po ako nakain kuya. Pababa palang po ako para kumain. Sige po Kuya goodnight na po see you tomorrow.
Reply ko sa kanya. Saka bumangon at ginising si baby Minmi. Namiss kong may tumawag na babygirl hehehe.
"Hey baby Minmi wake up kakain na tayo" sabi ko sa kanya habang tinatapik-tapik yung binti nya.
"Meow" medyo antok ba sabi ni baby Minmi.
Binuhat ko sya saka lumabas. Pababa na ako ng hagdan. May mga narinig akong ingay mula sa sala. Mga tawanan, usapan at iba pa na hindi familiar ang boses.
Sino naman kaya yung mga yun? Amm maybe baka tropa nina baby Carl mwehehehe chachar lang.
Ng nasa haba na ako ng hagdan ay tumigil ako saglit para huminga ng malalim. Bakit? Wala lang trip lang ko lang bat ba?
Nag lakad na ulit ako papuntang sala. Syempre kailangan kong dumaan dun para makarating ng kusina.
"Hahahaha talaga? LT yun hahahaha" tawa ng diko kilalang nilalang.
Psh ang ingay naman nila. Andito palang ako papasok ng sala eh. Grabeng-grabe pati kung tumawa–_–
Ng makapasok ako ay medyo tumahimik at ramdam kong may nagtinginan sakin. Hay buti naman at medyo tumahimik na.
"Yow Alea good evening"
Lumingon ako sa sofa ng marinig ko ang boses ni baby Carl este boses ni Carl.
"Yo! Good evening din Carl" nakangiting bati ko kay Carl.
Tiningnan ko kung sino mga kasama nya. May mga di ako kilala pero nag-taka ako ng makita ko sina Prince Erick. Psh ang haba ng name Rick nalang
"Yo Alea" sabay na bati nina Phen at Rick.
"Yo" bati ko saka tumingin ulit kay Carl.
Nag senyas ako sa kanya na pupunta na akong kusina. Dahil kakain na kami ni Minmi na nakaupo lang sa balikat ko.
"Ahh Alea. Ano kasi walang nilutong ulam jan eh tinatamad daw mag luto yung dalwa" nahihiyang sabi ni Carl.
Ngumiti ako dahil ayos lang naman. Balak ko kasi silang ipagluto eh hehehehe. Ops wag iba meaning ha good mood lang ako.
"Don't worry mag luluto ako. Adobo sana meron ba jan?" Tanong ko kay Carl.
"Actually meron" sabi nya saka tumayo at lumapit sakin.
"Tara tulungan kita paburito ko yun eh^_^" sabi nya saka ako inakbayan.
Biglang nanigas katawan ko dahil sa pag akbay nya. Pero agad naman akong nakabawi.
Lumipat sa kanya si Minmi kaya napatigil at saka binuhat nya si Minmi.
"Hi baby bihira kita makita ah. Tinatago ka ata ng meowmy mo eh hahaha" natatawang pag-kausap nya sa baby namin. Charchar lang.
"Meow meow" sabi naman ni Minmi.
"Oh diko nga pala kayang intindihin sinasabi mo hehehe" tatawa-tawang sabi nya.
"Tara baby tulungan natin si mommy mag luto" sabi nya saka tumingin sakin.
Bumaling naman sya sa mga kasama nya.
"Sama kayo? May mga pwede kayo dun kainin"
"Wow pag-kain"
"Pag-kain? Syempre sama ako jan"
"Tara sama"
Nag lakad na kami pero di pa kami nakararating ay may nag salita ulit.
"Alea mag-luluto ka ulit? Maha ba? Maha?" Excited na sabi Adea
"Ah eh hindi eh ulam natin lulutuin ko. Sa isang araw nalang ako mag-luluto ulit" sabi ko naman.
"Tara na luto na kayo ni Carl panuorin namin kayo" sabi naman ni Legumi.
Nauna na kaming maglakad ni Carl papuntang kusina. Bumaba na rin si Minmi at pumunta sa cabinet. Tutulung din ata sya samin. Yung iba naman ay umupo sa table. Lumapit ako sa kawali para ihanda na ito.
"Ano gagawin ko?" Tanong ni Carl.
"Pahugasan yung manok"
"Baby pakuha nung ingredients at gayatan" sabi ko kay Minmi na agad nyang sinunod.
"Woahhh!!! Pati pusa katulong nyo? Baka kainin lang nya yan" sabi nung lalaking diko kilala.
"Oo nga" sangayon nung isa pa.
Diko na sila pinansin at nag gayat na ng sibuyas at bawang. Kinuha ni Minmi yung toyo at suka. Si Carl naman ay naghuhugas ng manok.
Tahimik lang kaming nag luto nina Carl at Minmi. Ng malapit ng mag maluto ay nag salita yung nasa likod.
"Wow amoy palang masarap na"
"Oo nga di pa pati yan luto pano pag naluto na edi sobrang sarap"
"Yah manahimik nga kayo lalo lang akong natatakam" sabay na sabi ni Adea at Rick.
"Nice bro/sis" sabi nila saka nag-apir.
"Meron ka palang talent sa pagluluto dika naman nag-sabi ay" pabirong sabi ni Jianlee
"Hahaha hindi Naman" natatawang sabi ko.
"Erick wag katitig baka matunaw si Alea nyan" Adea
"What? Ate I'm not looking at her. Si muning yung tinititigan ko" tanggi nya.
"Wee? Bat mo naman tinititigan ha?" Pang-huhuli nya.
"Cause she's amazing. Kaya nyang tumulong sa gawain eh si Lester bossy na matakaw pa" reklamo nya.
"Syempre aso yun eh. Parehas lang naman tayo matakaw din si Steph" sabi naman ni Phen.
"Hahahahaha" tawanan naman nina Carl.
"Ok na to luto na to. Tikman mo muna Carl" tawag ko kay Carl.
"Sure" sabi nya saka tinikman yung adobo.
"Ansarap" sabi nya.
"Tara kain na tayo" sabi nya pa.
Inahun na namin yung ulam at kanin saka sila nag sandok. Kumuha naman ako ng pag-kain para kay Minmi. Pagkatapos nun ay nag kuha na ako ng akin saka kumain na kaming lahat.
YOU ARE READING
Dream
Teen FictionA girl who believes that everything that is happening to her is true, yet little did she know, she is only hallucinating inside her dream.