*knock knock*
Napatingin ako dahil dun. Tiningnan ko lang ang pinto nv room ko, hinihintay na magsalita yung sana kabilang pinto. Bat ba? Nakakatamad mag salita eh.
"Cute? Gising kaba? Kakain na daw"
Halos manlaki ang mata ko ng marinig ang boses ni Carl.
Nyawii naman eh kanina pinapag pantasyahan ko lang ngayon andito na sa likod ng pinto ko? Why so lucky Alea?"Sige lalabas nako" sabi ko.
Pagkasabi ko nun ay tumayo nako. Pinasunod ko sakin si baby Minmi dahil kakain na.
Pagbukas ko ng pinto ay parang gusto ko ng isara ulit dahil bumungad sakin si Carl na naghihintay. Nakangiti sya sakin kaya natigilan ako. Nahihiyang ngumiti din ako sa kanya.
"A-anjan k-ka pala" utal-utal na sabi ko.
Shit kalma Alea di naman nya alam na pinagpapantasyahan mo sya kanina eh.
Ay shit kahiya nasabi ko nanaman sa utak ko.
Ramdam ko na namula ako. At mas lalong namula ng maramdaman na may kamay sa noo ko.
"Ampula mo Cute may sakit kaba?" Tanong ni Carl habang kinakapa nung mainit ba ako.
"W-wala. T-tara na kain na tayo" sabi ko nalang.
Hinawakan nya ang kamay ko kaya mas lalo akong namula.
"Oh bat parang lalo kang namula? May sakit ka ba talaga o wala?" Inosenteng tanong nya.
"W-wala nga" kahit hiyang hiya na ay nasabi kopa yun.
"Don't tell me nagbablush ka" pangaasar na sabi nya habang naka smirk.
Yung pula ko kanina ay mas pumula pa. Nyawii naman Carl eh. Para na akong kamatis dito oh grabi ka.
"A-ahh e-ehh" shit di nako makapag salita ng maayos.
"Hahaha charot lang tara na baba na tayo gutom nako" tatawa-tawang sabi nya
Mahinhin nya akong hinila. Hinila? Yes di pa rin nya binibitawan ang kamay ko.
Habang pababa kami ay nakatingin ako sa kamay namin na magkahawak. Syett ano ba to kinikilig ako.
'kalma nasa tabi mo sya baka mahuli ka nya' pag papakalma ko sa sarili ko.
"Oh anyare?" Napabalik ako sa katinuan ng marinig ang boses ni Jianlee.
Andito na pala kami sa kusina. Ipinaghila ako ni Carl gamit ang isa nyang kamay saka pinaupo ako. Hawak pa din nya ang kamay ko.
"Tara kain na tayo" sabi ni Legumi habang pilit na sinisilip ang kamay namin ni Carl na magkahawak.
Nagsandok si Carl para saming dalwa. Shit ang sweet naman ni Carl.
Pagkatapos nya magsandok ng food ay tumingin sakin at saka ngumiti.
"Kain na tayo^_^"
"S-sige"
Kahit sinabi ko yun ay di kami makakain. Magkahawak parin kasi kami ng kamay eh.
"C-carl" tawag pansin ko kahit nauutal.
Napatingin silang lahat samin. Kaya nahiya ako lalo
"Bakit?" Carl
"P-pano tayo kakain k-kung m-mag-k-kahawak p-parin kamay natin?"
Utal-utal na sabi ko na ikinatawa nila. Namula nanaman ako. Shit kamatis bako ngayon?
"Hahaha oo nga naman Carl" natatawang sabi ni Jianlee.
YOU ARE READING
Dream
Teen FictionA girl who believes that everything that is happening to her is true, yet little did she know, she is only hallucinating inside her dream.