Alea POV'S
1week na simula ng matapos namin yung sa palabas namin ni Erick. At eto ako ngayon paapasok sa school dahil ayaw ko ng modular, nakakatamad mag aral mga bhie lalo na kung sa bahay. Tapos wala pa si Carl walang inspiration.
Ok ng pumasok sa school kesa 1month ako mag aral sa bahay nakakabored yun duh.
Papasok na sana ako room kaso hindi ko nagawa kasi nakita ko yung sinulid malapit sa paahan ko. Here we go again with this stupid games and traps, tsk.
Tuluyan ng nahulog yung pinturang trap nung galawin ko ang sinulid.
"Anlinaw ng mata mo ha nakita mo parin yun. Ang nipis nyan oh grabe. Nakakatuwa ka naman paglaruan nagkakaroon ng trill" sat-sat ng lalaking nasa likod ko.
Hindi ko sya pinansin at humakbang ng malaki para hindi ko maapakan yung pinturang kumalat sa sahig.
Dumeretso ako papunta sa upuan ko. Bale nasa second row ako sa unahan at ang second row ay may tatlong upuan palikod. Dun sa gitna ako nakaupo kasi para kitang-kita ko lahat ng isinusulat ng profesor namin.
May kumublit sakin mula sa likod ko kaya tumingin ako. Si Sha-Sha lang pala, sya kung classmate ko na mahilig ako daldalin ng daldalin. Grabe yan daiz madaldal yan hahahaha.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Pwedeng sabay tayo mamaya mag lunch?" tanong nya sakin habang nagpapacute.
Lagi ka naman walang kasabay kumain eh, dina nakapagtataka sayo yun.
"Sure"
"Talaga? Ayos lang sayo? Naks, yeheyyy!" Tuwang-tuwang sabi nya. Kulang nalang eh magtatalon sya sa tuwa.
Hays, isip bata grabe.
"Sige ayos kana ng upo anjan na si prof" nakangiting sabi nya.
Ehh? Anjan na? diko naramdaman yun ah.
Pag lingon ko paharap laking gulat ko ng dahil sobrang lapit ng mukha sakin ni E-ERICK.
Ng matauhan ako ay pilit kong nisiksik ang sarili ko paurong dahil anlapit nya talaga, shess.
*Tug tug tug tug tug*
W-what the? bat bumilis heart beats ko? darn you Erick.
"Huy ano yan Alea nag kikiss kayo?" baglang may nagsalita mula sa likod ng 3rd row.
Bigla namang kumilos si Erick palayo sakin kaya nakahinga ako ng maluwag
"Kayo ah" pangaasar nung nag salita kanina.
Tiningnan ko si Erick na nakatingin sakin habang nakangiti. Problema nito? Dami dami pwede pagtripan ako nanaman nakita.
Umalis na sya sa harap ko saka umupo sa tabi ko.
"Huy nag kiss kayo?"
Napaigtad ako sa kinauupuan ko ng biglang magsalita si Phen sa tabi ko. Luh? andito na din pala toh, hindi ako nainform.
"huy" Phen habang winawagayway ang kamay nya sa harap ko.
"H-ha? H-hindi ah" depensa ko sa kanya.
"Hmm sounds defensive" sabi nya habang nakahawak baba at tumatango.
Hindi kona sya pinansin dahil baka masapak kopa toh.
"Ano lasa ng labi nya? masarap?" pang aasar nya.
"Tsk" tugon ko sa kanya saka tumingin sa harap at naghintay ng teacher.
"Huy ano nga? hiya kapa eh, sabihin mona" pangungulit nya sakin.
"Can you please shut up? walang ngyari ko shut up" iritable kong sagot.
Nakakailang na ah, kinakausap nya ako tapos itong isa halatang nakikinig tapos may patingin tingin pang nalalaman.
'Ano ba problema nitong mga to para silang tanga. No alisin nyo na yung salitang para kasi tanga na talaga sila'
Dada lang ng dada si Phen pero hindi ko sya pinapansin.
"Good morning class" bati ni prof. History.
Bumati naman kami pabalik sakanya. Bigla syang tumingin sa pwesto namin tatlo nina Phen.
"Diba pahinga pa kayo?" Tanong nya samin.
"Ma'am She naman eh wala kayang checks sa bahay" pabirong sabi ni Phen.
"Nako nako, ok let's start the discussion" sabi nya saka nag discuss.
Nakinig na kami sa kanyang discussion. Yes kami, hindi na ako dinaldal ni Phen eh.
Ng matapos na ang discussion ni prof ay biglang sumulpot si kuya mula sa pinto.
"Ah sorry ma'am, nakakaistorbo po ba ako?" tanong nya.
"Hindi naman iho tapos na ang klase namin" sabi ni ma'am.
"May kailangan kaba iho?" tanong ni ma'am.
"yes ma'am kailangan nya ako" sabi ng mga classmate kong babae pati na rin bakla.
"Hala ang pogi!!"
"Ma'am jowa ko yan!"
"Class tahimik muna" pag papatahimik ni ma'am.
"Si Alea po?" patanong nyang sagot kay ma'am.
"Oh ms. Mildries" tawag sakin ni ma'am.
Tumango ako sa kanya habang nakangiti. Alam na nya yun. Lumingon ako sa likod ko saka nagsalita.
"Sorry hindi pala ako makakasabay" sabi ko saka tumayo.
Lumapit ako kay kuya saka ngumiti.
"Hiramin ko po muna sya ah" pag papaalam nya kay ma'am.
"Sige lang iho, class dismiss"
Umalis na kami ni kuya saka naglakad papuntang cafeteria.
"Ano meron kuya bakit napadpad ka dito?" tanong ko kay kuya.
"Wala lang namiss ko lang ang babygirl ko" nakangiting sabi nya. Ang cute ng kuya ko.
"Kamusta na babygirl ngayon nalang ulit kita nakita ah. Sorry ah naging busy kasi si kuya kaya kahit message hindi ko masyado magawa" pagso sorry nya.
Natawa naman ako dahil sa sinabi nya.
"Talaga kuya? Eh araw-araw mo nga akong tinatadtad ng message eh" natatawang sabi ko.
"Kahit na hindi katulad dati lagi akong may oras sayo yung pupuntahan kita ganun" pagpapaliwanag nya.
Pfftt hindi nya kailangan mag explain hahahaha. Pero ang cute nya hahahaha. Kahit hindi naman nya ako puntahan eh text naman kasi sya ng text kaya buo na araw ko.
"Ayos lang kuya wag ka magalala ayos na ako na nagtetext ka sakin. Alam ko naman na mahal mo ako eh" pabirong sabi ko.
"Talagang mahal kita kaya wag mong iisipin na iniwan kita kapag nawalan ako ng time sayo, busy lang talaga ako" pag tatama sya nya sa sinabi ko kahit na tama naman at walang mali.
"Alam ko yun kuya hindi ko iisipin na mangyayari yun dahil alam kong gagawa ka ng paraan para mabigyan mo ako ng time"
"Oo, kahit sobrang busy. Ganun kita kamahal"
"Dami pa sinabi yun din naman ang huli"
"Nag lalambing lang eh masama ba?" ala-alang tampo nya.
"Hindi naman nag mukhang oa kasi hahahaha, sorry na, ok?" natatawang sabi ko.
Naglakad na kami papasok sa cafeteria saka nag order at kumain.
YOU ARE READING
Dream
Teen FictionA girl who believes that everything that is happening to her is true, yet little did she know, she is only hallucinating inside her dream.