Chapter 29

2 1 0
                                    

Alea POV'S

Erick POV'S

Tsk, anlandi naman nitong babaeng to talagang dinala pa talaga dito yung boyfriend nya. Ano ipinagsisigawan na may jowa sya? Hindi naman gwapo, may itsura lang. Mas gwapo pa naman ako jan eh. Sya lang ang kilala kong babae na hindi maalam pumili ng tunay na gwapo.

"Huyy! ayos ka Lang Rick? Bat galit ka? selos ka no"

"What, Jealous? Hell no" inis na Sabi ko.

"Eh bat ganyan ka kung makatingin sa kanya? Aminin mona kasi nagseselos ka" pamimilit nya.

Ito talaga ang kulit kinukulang pa ata sa pagkain ay.

"Why would I? Wala naman kami" balik tanong ko.

"Pre uso ngayon ang walang label, malay koba" pagmamalaki nya.

"Tsk, walng label label. I don't like her. I have girls" pagmamalaki ko sa kanya

"Yeah right play boy ka eh" apg suko nya sabay kain ng pagkain nya.

Kumain na din ako at hindi na tumingin sa malanding babaeng yun.

"Aish walang lasa yung pagkain" mahinang maktol ko kay Stephen.

"oh bat ka sakin nagmamaktol? Dun ka mag maktol oh" sabi nya sak tinuro yung mga nagluluto.

"Kung ayaw mo ng pagkain mo akin na" sabi nya at kinuha ang pagkain ko.

"Masarap naman ah, bitter ka lang talaga dun sa dalwa" pangaasar nya.

"Tsk, shut up"

Hindi na sya ng gulo at kamain. Tumunganga nalang ako at nag isip- isip.

"Hi love"

What the fuck? Nag gulat ako dahil may nagsalita at hinalikan ako ng mapusok.

Damn it, Shia.

Yeah it was Shia, sya lang naman kasi yung babaeng rambutan ang lasa ng labi.

Itinulak ko sya ng bahagya saka tumingin sa pwesto ni Alea.

"What? What are you looking at love?" tanong nya at hahalikan sana ulit ako.

Tinabig ko ang kamay nyang hahawak dapat sa pisngi ko. Tumingin ako kay Alea na nakatingin din sakin.

Ano ba tinitingin tingin nito? Naiinggit ba sya? Kawasat hindi sya maalam pumilli ng gwapo.

Hindi ko mapigilan mapa irap dahil sa inis ko kay Alea.  Hays bat ba ako naiinis? Paki ko ba kung may kalandian sya? Mas gwapo naman ako dun at higit sa lahat di sya kawalan period.

Naramdaman kong inis na umupo si Shia sa tabi ng upuan ko na nahila na pala nya para makadukit ko.

Umangkla sya sakin saka nghablot ng pagkain kay Stephen. Tsk bagay itong dalwang to parehas matakaw.

Pinunasan ko ang labi ko saka uminom ng tubig. Binalingan ko si Stephen saka nagsalita.

"Bilisan mona kumain at papasook na tayo sa next class"

"Agad? may 15 minutes pa tayo oh. Hanap muna tayo ng machechicks" pangaasar nya habang nakatingin sa relo nya.

"Oo nga love, ihanap muna natin to nga chicks para di nya tayo abalahin" malanding sabi ni Shia saka hinaplos lang dibdib ko.

"Stop it Shia i'm not in mood" inis na sabi ko saka pinalo ang kamay nya. Nakakabanas eh

"But I am" sabi nya habang naka smirk.

Tumayo na ako dahil nakita kong nagpupunas na si Stephen ng bibig. Tumayo na din si Stephen saka binalingan si Shia.

"Wag kasi ipagpilitan ang sarili sa ayaw sayo, masasaktan ka lang" pang aasar nya kay Shia at umalis.

Sumunod nalang ako sa kanya. Pero bago ako makalabas ng Cafeteria ay sinilip ko muna si Alea at damn sumakto pa na hinalikan nung lalaki yung noo ni Alea. Papansin lang tsk.

Mabilis akong naglakad paalis saka pumunta nalang sa room. Nakakaalibadbad kasi dun sa lugar na yun puro kalandian lang nakikita ko.

Umupo na ako sa pwesto ko at sumubsob sa desk ko. Hays nakakabored naman dito antagal ng teacher. Ito namang si Stephen nakikipaglandian na sa kung sino. Nasira mood ko dahil sainyo babae.

Oh speaking of she's here. Bat hindi nya kasama yung kalandian nya? Tsk whatever.

"Huy babae!" Pasigaw na tawag ko sa kanya.

Tinaasan naman nya ako ng kilay habang nakaupo na sa pwesto nya. Tsk, sungit malandi din naman.

"Sinabi ko bang umupo kana? Linisin mo muna itong sapatos ko nadumihan" ako habang naka ngisi.

Ngumisi din sya saka humikab. Kinuha nya ang phone nya saka nag pipindot. Siguro kachat nya yung kalandian nya. Pati ba naman dito sa loob ng room naglalandi sya? Alam kong may kalandian din ako pero hindi ako nakikipag chat sa kalandian ko.

"Ok class get your paper we have a quiz" Masungit na sabi ng prof namin.

Tsk pati pagre review nalimutan ko dahil sa kalandian nya tsk tsk. Kumuha ako ng paper at pinangalanan yun.

Nagsimula ng magdaldal ang prof namin pero ako nakatitig lang sa papel ko.

"Ok next number 9 blah blah blah blah" prof

Yeah yah yeah yeah wala akong sagot tsk.

"Ok pass your paper forward. Checheckan natin yan" katulad ng sabi nya ay ginawa namin yun.

Yes namin pinasa ko din papel ko why? May papel na dumating ulit sakin. Tsk tinatamad ako mag check. Iaabot kona sana yun kay Stephen kaso nahagip ng mata ko ang pangalan ng checheckan ko. Ow kay Alea pala ah.

Napatingin ako sa pwesto nya at nakatingin din pala sakin at katulad ko naka smirk din. What the? Don't tell me...

"Put the corrected by in the paper infront of you" prof.

Nilagyan ko ng corrected by ang papel ni Alea at tiningnan kung tama ang sagot nya.

Natapos na ang pagchecheck at ipinapasa sa unahan ang papel. And worst sasabihin ni ma'am ang score at kukunin sa harap.

Damn bakit ngayon pa? Pwede bang tumakas nalang? ipapahiya lang ako nito eh.

"Ok let's start" at ayun nga nagbanggit na sya ng pangalan at damn sanaol mataas score.

"Princess Alea Jane Mildries. Score 10/10 corrected by Prince Erick Brosque"

Naramdaman kong tumayo si Alea at ako naman ay napasubsob sa aking desk. Mag tutulog-tulugan nalang ako.

Nag banggit na ulit si ma'am ng ibang pangalan hanggang sa...

"Prince Erick Brosque. Score 0/10 corrected by Princess Alea Jane Mildries"

"What? Mr. Brosque 0/10?" Galit na tanong ni prof.

"Mr. Brosque came here" nagtitimping sabi ni matanda.

"MR. BROSQUE" sigaw ni tanda kaya dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at nagpanggap na kagigising lang.

"Yes Mrs?" ala-alang antok na sabi ko.

"Tulog ka ng tulog alam mo ba kung anong score mo? blah blah blah blah"

"I'm sorry mrs" yan nalang nasabi ko.

"Go to my office now!" umuusok ilong at tengang sabi nya.

Eto kasi ayaw nya ang may makaka zero sa klase nya, tsk.

"Class Dismiss" sabi nya saka umalis.

Kinuha ko ang bag ko at sumunod sa kanya. Ok Prince read your self mahaba-habang sermon matatanggap mo

DreamWhere stories live. Discover now