Alea POV'S
Pfft hahahaha. Ano? hahambog-hambog ka lang pala pero bagsak ka naman pala sa quiz. May payabang yabang at landi kapa tapos hahahaha nakakatawa ka Rick.
Nag ayos na ako ng gamit ko para dumeretso na sa next subject ko. Ng matapos ako ay naglakad nako papuntang pinto ng room pero hindi pako nakakahakbang palabas eh hinarangan na ni Shia ang harapan ko.
"Why did you do that?" maarte na may halong inis na sabi nya.
"What?" nag tatakang sabi ko.
Ano bang pinagsasasabi nito? Nasisiraan na ata ng bait. Ay mali pala ng ulo pala, di nga pala sya mabait like me.
"Inibagsak mo si Prince! Pinaltan mo papel nya para ma zero sya sa exam. Isusumbong kita kay prof masyado kang pabida ha! Gumaganti ka na ha" Pananakot at pangbibintang nya.
"Ow, I think you're imagining things. I don't need to do that Shia" Nakangiting sabi ko saka umalis.
Hindi lang sya maldita mangbibintang pa hahaha. Bahala na nga sila jan hindi ko naman sila dapat binibigyan ng time dahil wala naman yung kapararakan.
Dumeretso nako sa next subject ko para hindi na nila ako magulo. Ng makarating nako sa room ay umupo nako sa pwesto ko para mag hintay sa prof namin.
Hindi pa dumadating ang prof namin ng may lalaking lumapit sa tabi ko at umupo. Hindi kona tiningnan dahil alam kong manggugulo o mangungulit lang yan.
"Hi miss!" masayang bati nya.
Hindi ko sya kita dahil nakasubsob ako sa desk ko pero alam kong nakangiti sya dahil ramdam mo sa pagsasalita nya.
Hindi ako nagsalita pabalik para isipin nya na natutulog ako. And mukhang may nabiktima nga ako sa pag tutulog tulugan ko.
"Brad tulog ata wag mona muna sabihin yung sasabihin mo" Sabi nung lalaking nakaupo sa unahang ng upuan ko.
"Oo nga eh. Sleep well babe" Sabi nung lalaking tumabi sakin.
Inayos nya yung nakataklob sa mukha kong buhok. Inilagay nya yun sa likod ng tenga ko saka naramdaman kong tumayo na sya at bumalik na ata sa pwesto nya.
'Nice, Ang sweet nya ha, pero yuck bakit babe? Pwede namang iba, charot lang. Now I wonder who is he' Nasabi ko nalang sa isip ko.
Hinintay ko nalang na dumating ang prof namin saka iniangat ang ulo bago ito magsimulang magsalita para sa mga reminders.
PE kasi kami ngayon and base sa sinasabi nya mukhang basketball ang PE namin. Yiieee I'm so excited.
"Ok go to your locker room and change your clothes then go to the gym nation" Prof.
Inayos na nya yung gamit nya tapos biglang bumukasyung pinto at iniluwa ang mayabang na si Rick. Aba kaklase ko pala to sa PE.
'Ano kayang kasunod na kapalpakan ang gagawin nito?' tanong ko sa utak ko gamit ang natatawang tono.
"Why are you late?" pagsusungit ni prof.
"Sorry po" yan nalang ang nasabi nya habang nakayuko.
"Go to the locker room and change your clothes now we'll going to play basketball for our PE" Prof.
Napatingin sakin si Rick ng malampasan sya ni prof. What? ano nanaman tinitingintingin nito?
Hindi ko nalang sya pinansin at gumora nako papuntang pinto para makapag bihis na. Excited ako bakit ba?
Pagdating ko sa locker room ay kinuha kona ang PE uniform ko saka nag bihis. Pag katapos ko magbihis ay lalabas na sana ako at dederetso na papunta sa gym pero may tumawag saking babae.
YOU ARE READING
Dream
Teen FictionA girl who believes that everything that is happening to her is true, yet little did she know, she is only hallucinating inside her dream.