Prince Erick POV
Hindi ko maexplain kung gaano ako kasaya dahil sa ngyayari. Sobra-sobra yung saya ko dahil ngayong araw, ngayong birthday ko, birthday namin ng mahal ko, ngayon nya ako sinagot. Ngayon na binigay pabalik ang pag mamahal nya, sa papamamagitan ng pagsasambit nya ng matamis nyang 'oo' buong buong na yung araw ko.
Hinding-hindi ko sasayangin ang opportunity na binigay nya sakin. Mamahalin ko sya, aalagaan ko sya, ibibigay ko lahat ng gusto nyo para mapasaya sya. Hinding-hindi ko sya ikakahiya, ipagsisigawan ko sa mundo na ang isang "Princess Alea Jade Mildreis" ay girlfriend ko.
Matapos ang moment namin sa stage ay bumaba na kami at lumapit sa table ng parents namin. Habang nag lalakad at bumababa sa stage at inaalalayan ko sya ng sobra. Hindi ko gusto na masugatan or galos sya, hindi ko hahayaang mangyaring yun lalo na at nasa tabi nya ako.
Nang makarating na kami sa table ay ipinag hila ko sya ng upan na kanyang uupuan. Nakangiti naman kaming pinapanood ng nga magulang namin, wari bay natutuwa sila sa ngyayari at nakikita nila. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita ko sila na masaya at hindi against para sa amin ng taong mahal ko.
"Congrats for both of you and happy birthday!" bati sa amin ni tita, mom ni Alea.
"Thank you po tita/mom" sabay namin ni love.
Umupo ako sa tabi ni Alea saka sya hinandaan ng pag kain. Nginitian naman nya ako saka kumain ng inihanda ko. Napatingin naman ako sa kuya nya na si Kuya Leo na nakatingin din sakin. Nakangiti sya pero halata ang pagka seryoso ng kanyang mukha, ngumiti ako pabalik sa kanya bilang tugon.
"Erick, alagaan mo yung kapatid ko ha? Hindi naman sa ikaw na mag aalaga sa kanya ng solo, syempre hindi ko ibibigay ng ganun kadali sayo yung kapatid namin, diba Liam? Panatilihin mo syang ligtas at wag mo syang sasaktan, physically and mentally okay? Masaya ako para sa inyo" turan nya na ikinangiti ko.
"Oo naman po, hinding-hindi ko sya papabayaan. Aalagaan ko po sya at mamahalin, hindi ko sya sasaktan. Isa na po ako sa tanga kung sasaktan ko sya, para naman akong wala sa matinong pag iisip pag ginawa ko yun" natatawang sagot ko pabalik.
"Yan, tama yan. Kaya boto ako sayo eh! Wag mo sisirain tiwala namin para sa inyo okay? Kami ng kuya Leo mo ang makakalaban mo kapag nagkataon" natatawang pananako ni kuya Liam.
Nag tawanan kaming lahat ng nasa table dahil sa turan ni kuya Liam. Nanood nalang kami sa mga nag pperfom sa stage para malibang ang lahat ng invited. Matapos ng mga nag pperfom ay nag salita ang emcee para papuntahin kami sa unahan at ng personal na makapag message sa amin ang lahat ng may message para sa amin at isayaw kami kung gusto nila.
Ng makataas kami ay isa isang pumunta sa unahan. Isang babae at isang lalaki, para sa amin ni Alea. Ang unang umakyat ay si Carl at Jianlee.
"Uhm, this message is for both of you na. Message namin ito ni Carl sa inyo, hehehe. First of all, thank you for inviting us here at your party, happy birthday for both of you. Second, thank you for coming to our life and be a model of good person. Third, congrats and good luck to your journey. Yun lang, sana mag enjoy kayo. I love you both" speech ni Jianlee saka lumapit sa akin.
Lumapit naman si Carl kay Alea saka hiningi ang kaya nito. Ganun din ang ginawa ko, hiningi ko ang kamay ni Jianlee saka ito isinayaw. Habang nag sasayaw kami ay nag kkwenohan lang kami at nag bobolahan.
"Pogi today tol, pero mas pogi parin si Carl hahaha" pang aasar ni Jianlee sakin.
"Ay sus, crush mo eh kaya sinasabi mong mas pogi sakin" asar ko pabalik.
"Manliligaw, oo manliligaw ko, manliligaw ko yung crush ko. Panis ka ano? Ako lang to oh, isang Jianlee eh lang to oh hahaha" pag mamayabang nya sa akin.
YOU ARE READING
Dream
Teen FictionA girl who believes that everything that is happening to her is true, yet little did she know, she is only hallucinating inside her dream.