Episode 19

401 44 11
                                    

Failure

After malaman ni mom at dad ang tungkol sa marketing plan ko ay na pag pasiyahan nilang mag karooon ng simpleng salo-salo dito sa bahay. Kaya masaya ako buong araw dahil nalaman kung proud na proud sina mommy sa akin.

Inimbitahan pa nga si Daniel na dito nalang kumain ngunit tinanggihan niya ito dahil may kailangan pa siyang tapusin na trabaho kaya hindi narin siya pinilit nina mommy.

Kahapon lang kami nakauwi ni Daniel galing sa Baguio. Swear na gustohan ko yung adventure namin ka hapon. I'm so glad dahil dinala ako ni Daniel sa adventure park at higit sa lahat siya yung gumastos sa mga gastosin doon. Medyo na hihiya pa nga ako sa kanyang ginawa pero I really appreciate the time he spend with me.

Napangiti nalang ako dahil unti-unting naging sweet si Daniel sa akin. Noong una medyo ruthless pa siya pero dumaan ang maraming buwan at naging malambing na siya akin at medyo magaan na ang aking pakiramdam sa kanya.

"Anak, tawagin mo na si kuya Lucas mo para sabay-sabay tayong kumain." Masayang tugon ni mommy sa akin.

Ito na ba ang sagot sa mga panalangin ko? Ang magkaroon ng masayang kainan dito sa bahay.

Napatango nalang ako sa sinabi ni mommy at pumunta agad sa kwarto ni kuya Lucas.

"Kuya lumabas kana diyan at kakain na tayo sabi ni mommy!!!!".

Napasigaw lang ako dahil hindi niya binuksan yung pinto at nakatunganga lang ako sa labas ng kwarto.

Kakatukin ko na sana kaso biglang bumukas ang pinto at napatayo ako ng matulin.

Nagulat ako sa mukha ni kuya Lucas dahil parang binagsakan ng langit at lupa. Nag tataka ako kung bakit mas naging stress siya ngayon.

Sa aking pagkakaalam tapos na ang kanilang board exam at hinihintay nalang nila ang resulta nito.

"Kuya okay ka lang ba?"

Hindi ko parin inalis ang aking mga mata sa kanya. Ngunit hindi makatingin sa akin si kuya.

"Kuya kung may problema ka, huwag kang mahiyang sabihin sa akin. Baka meron akong maitutulong sayo."

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at narinig ko ang paghikbi ni kuya Lucas. Parang dinurog ang aking puso ngayon. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagkabigla.

"Eliana, I failed the exam. I'm so stupid!!!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig kaya matagal na proseso sa aking utak ang kanyang sinabi. Alam ko namang binigay ni kuya ang lahat at bakit ganito ang resulta.

I feel pity towards my elder brother. I know why he is so disappointed and stress. It's because of the expectation of my parents.

As far as I remembered, my father told him to pass the board exam or else they will end the relationship between the two of them.

My father is really heartless kind of person. Kahit sarili niyang anak, pinagtataboyan dahil sa isang kamalian.

"Kuya, okay lang yan. Pwede ka pa namang mag take ng third exam next year. Siguro hindi pa ito ang tamang oras."

Pilit kung pinapagaan ang nararamdaman ni kuya Lucas. Ngunit lumayo siya sa akin at naging madilim ang kanyang mga mata.

"Wala na akong magagawa Eli. Kailangan ko itong ipaalam kay dad. I will accept the consequences."

Tatalikod na sana si kuya Lucas ngunit dali dali kung hinawakan ang kanyang kamay at ngumiti sa kanya.

"Kuya nandito lang ako at handa kang tulongan sa kung ano man ang mangyari".

One Pleasure Night FAS #1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon