Episode 31

368 36 5
                                    


History


Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng inggit dahil sa isang babae. Gustohin ko mang tarayan si Rachel ngunit hindi ko magawa dahil sa kanyang pakikitungo sa akin. She looks so kind and gentle. She approached me softly even though I acted like I don't like her.

"You look so tired. I think you need to have a rest." Saad niya sa akin at sumilay ang matamis niyang ngiti.

"Hindi na kailangan. Okay lang ako." Tugon ko sa kanya at nakita ko ang malumanay na tingin ni Daniel sa akin.

"Love, tama si Rachel. Kailangan mo munang magpahinga. Medyo mahaba kasi ang byahe kanina at alam naming pagod ka." Sabi ni Daniel at agad siyang napatayo at hinigit ang aking kamay.

Gustohin ko mang umangal ngunit wala na akong magagawa dahil hawak-hawak ni Daniel ang aking kamay. Napanguso ako habang napatingin sa kamay namin.

Nararamdaman ko ang init ng kanyang palad kaya napangiti nalang ako. Sa hindi ko inaasahan ay napalingon ako kay Rachel at nakita ko ang kanyang mga mata na nakatingin sa aming kamay.

Gumuhit ang sakit sa kanyang mga ngiti at ng makita niya akong nakatingin sa kanya ay agad siyang napatayo at umalis sa kanyang inuupuan.

May gusto kaya si Rachel kay Daniel? Bakit parang wala lang kay Daniel ang lahat. I feel the pain on Rachel's eyes. Wala akong magagawa dahil mahal ko rin si Daniel. Hindi ko kayang magpaubaya sa kanya.

Sinamahan niya akong umakyat sa itaas ng bahay at medyo nangangamba parin ako dahil alam kung hindi ako tanggap ni donya Solidad.

Naiintindihan ko siya kung bakit ganon nalang ang galit niya sa akin. Ngunit hindi ako susuko. I'll prove them that my love is pure towards Daniel.

Habang paakyat kami sa may hagdan, na kita ko ang mga naglalakihang picture frame na nakasabit sa gilid ng pader. Curious akong napatingala kaya mabagal ang aking paglalakad. Siguro na pansin ni Daniel na hindi na ako nakasunod sa kanya kaya napahinto siya at tumingin sa akin.

"Sino to?' Tinuro ko ang lumang picture frame ng isang binatang lalaki.

Medyo luma na ito ngunit nakikita ko parin ang ganda ng mukha ng lalaking nakangiti na tila ba walang problemang kinikimkim. Nakita ko ang paglapit ni Daniel sa akin at napatingin siya larawan na nakasabit.

Napabuntong hininga si Daniel bago magsalita. "Siya nga pala si lolo Abel ang nakababatang kapatid ni lola Solidad."

"Ganon ba. Nasaan siya ngayon?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Patay na." Malamig niyang sagot sa akin.

Gulat akong napatingin ulit sa lalaking nasa aming harapan tila hindi makapaniwala sa aking narinig. "Bakit siya namatay?". Hindi ko mapigilang magtanong ulit sa kanya at sana hindi magalit si Daniel sa akin.

"Namatay si lolo Abel dahil sa pag protekta sa babaeng pinakamamahal niya."Nakita ko ang sakit sa mga mata ni Daniel.

Hindi ko akalain na ganon pala ang nangyari. Maslalo tuloy akong na curious kung ano ang totoong nangyari sa kanya. Hindi halata sa maamong mukha ng lalaking ito na may problema pala siya.

Nakakaakit ang kanyang mga ngiti at ang kanyang mga mata ay para bang nagsasabing pag-ibig ang dahilan kung bakit siya ay masaya.

"Pwede ko bang malaman ang kanilang istorya?" Pangungulit ko sa kanya.

"I'm sorry pero pilit itong ipinagbabawal na pag-usapan dito sa loob ng bahay. Matagal ng pilit binubura ni lola ang nakalipas. Isa itong bangungot sa aming pamilya." Seryusong sabi ni Daniel kaya tumahimik nalang ako.

One Pleasure Night FAS #1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon