Episode 20

494 44 8
                                    

Birthday


Kanina pa ako nakatingin sa kabuong ni kuya. Wala ng luhang dumadaloy sa aking mga mata, siguro na ubos na dahil kahapon pa ako umiiyak dahil sa sakit at puot na aking nararamdaman.

Kasama ko ngayon si Adrian at Lucy dito sa funeral home. Hindi ko i-uuwi si kuya doon sa bahay dahil puro masasakit na alaala lang ang aking naiisip doon.

Alam na ni mommy at daddy ang nangyari pero hindi pa sila dumalaw dito. Siguro nahihiya sila dahil alam naman nilang sila ang dahilan ng pagka-accidenti ni kuya Lucas.

Dapat lang na makaramdam sila ng hiya dahil sila ang punot-dulo ng lahat!

Pagod na pagod na ang aking katawan. Na mumugto ang aking mga mata at higit sa lahat durog na durog ang aking puso. Bakit nangyari ito, dapat ngayong araw na ito ay nan doon kami sa Boracay dahil ka arawan ko ngayon. Pero bakit nandito kami sa isang funeral home.

Akala ko pa naman na maging masaya ang araw na ito. Subalit isang hindi inaasahan na trahidya ang nagyari sa pinakamamahal kung kapatid. Paano na ako ngayon? Wala na akong makakausap sa bahay namin at higit sa lahat siya lang ang tanging umiintindi sa akin.

Tumawag si Daniel kanina ngunit hindi ko ito sinagot. Medyo mabigat ang aking pakiramdam everytime naririnig ko ang kanyang pangalan.

Sinabi sa akin ni Adrian na before na bangga ang sasakyan ni kuya ay may sinabi siya tungkol kay Daniel.Sabi ni kuya, galit na galit siya kay Daniel.

Palagi nalang bukambibig ni daddy ang pangalan nito. Nang dahil kay Daniel, naging sakim si daddy kay kuya at higit sa lahat palagi siyang kinukumpara kay Daniel.

"Eli, kumain ka na. Ka hapon kapa hindi kumakain, baka magkakasakit ka niyan."

Mukhang pa iyak na si Lucy dahil nag alala na siya sa akin. Sa totoo lang wala talaga akong ganang kumain. Ayaw kung iwanan si kuya, alam kung ako lang ang karamay niya dito.

"Ayaw ko Lucy, busog pa ako. Kayo nalang muna ang kumain. Baka nagugutom na kayo." Patuloy parin ang aking mga mata sa pagtitig doon sa kabaong ni kuya.

"Bessy naman, hindi ka na nga nakatulog tapos hindi karin kakain ngayon?" Si Lucy.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko na masyadong matamlay ang kanyang mga mata. Ngunit narinig ko ang boses ni mommy kaya napalingon ako malapit sa pinto at nakita ko sina mommy, daddy at Daniel.

Nararamdaman ko na naman ang pag-init ng aking mga mata. Mahapdi at mabibigat ang talukap nito ngunit kaya ko pang makipagtitigan sa kanilang mga walang hiyang mukha. Napatayo ako at unti-unting lumapit sa kanila.

"Bakit kayo nandito?"

Napatakip sa bibig si mommy habang si daddy naman ay nakatingin lang sa kabaong ni kuya Lucas. Napabaling ako kay Daniel at medyo nagugulohan siya sa aking sinabi.

"Bakit hindi kayo maka sagot! Ang sabi ko bakit kayo nandito? At para saan pa!"

Napasigaw nalang ako dahil sa galit kaya biglang lumapit si Daniel sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Ngunit tinulak ko siya ng malakas kaya na estatwa siya sa kanyang kinatatayuan ngayon.

Napatayo si Adrian at nilapitan niya ako at pilit pinapakalma.

"I'm sorry anak ngayon lang kami dumalaw. Alam mo namang hindi ako makapaniwala na wala na ang kuya Lucas mo. I'm so sorry anak. Sana ma patawan mo kami."

"Bakit sa akin kayo humingi ng sorry, diba dapat kay kuya Lucas niyo yan sasabihin. Naging irresponsabling magulang kayo sa kanya!"

Narinig ko ang boses ni daddy at masyadong galit na galit ngayon sa akin. Nilapitan niya ako at muntikan niya akong sampalin. Ngunit bigla akong niyakap ni Daniel at inilayo kay daddy.

One Pleasure Night FAS #1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon