CHAPTER ONE
K a i
🎶 American Authors, Best Day of My Life
It's the first day of school and I'm late. Great, kararating ko lang ng bayan ng San Andreas. Apat hanggang limang oras ang durasyon ng byahe papunta dito galing sa aming probinsiya. Heto na, suot ko na nga ang pangpasok ko. Kanina ko pa 'to suot sa bahay, napaka-init ng tela. Actually, that was Quinn's house, but I live there now, so.
Madaling araw akong nagbyahe galing sa amin, alam ko kasing wala na akong oras pang maligo at mag-ayos ng sarili ko pagdating ko dito sa bayan. Pati nga magsuklay, 'di ko na magawa. Buti na lang medyo maganda-ganda ang uniporme ko. My maroon skirt was too short for me, the grey-colored blazer with the college logo on the left side is a little bit large, my checkered tie with the school's crest is choking me, my white long-sleeve is making me itch, and I'm literally dragging my pair of black shoes to walk the school grounds. What a drag.
Pagpasok ko sa arko ng eskwelahang aking papasukan, napahinga na lang ako ng malalim. Tatakbo sana ako papunta sa gusali kung saan ang first subject ko, pero wala akong kaalam-alam kung saan ito. Sa laki ba naman ng paaralang 'to, malamang mawawala ako.
Tatanungin ko sana yung guardia sa gate, pero nagdalawang-isip ako. Naabutan ko kasing may sinisita siyang estudyante. "Kahit mag-iiyak ka dyan, hijo, hindi ka pwedeng pumasok," Sabi niya. Naiwan yata nung lalake yung ID niya or something. Istrikto pala ang mga sekyu dito, hindi tulad sa amin na pachill-chill lang ang mga bantay. Umalis na lang ako at nagsimulang maglakad-lakad sa campus. May ibang gates pa naman daw. Hanap na lang ako ng guardiang hindi on beast mode.
Sabi nila, kung ano daw ang modelo ng cellphone mo, 'yun daw ang estado ng buhay mo. Ang daming mamahaling teleponong ang nakaangat, panay selfie ang mga nag-aaral dito. Hashtag first day of school nga pala ngayon, that explains it.
"Hey, miss, come take a selfie with me. Let's make my girlfriend jealous. You're so hot, and she gets angry whenever I take a photo with a pretty girl," Sabi ng isang lalake sa akin. Can you believe this guy? I ignored him and just walked off. "It's your loss, girl," Pahabol pa niya. Naku, pare, hindi kita type. Tigilan mo 'yan.
"Hey, hottie," A guy whispered to me, parang hahawak pa sa bewang ko. Sapakin ko 'to, eh.
"How's it going, babe?" Sambit ng lalakeng aking nadaanan. "Hey, where are you going?"
"Wow, new student," Sabi pa ng isa. Matanong ko lang, pa'no naman kaya nila malalaman kung bago ka sa eskwelahang ito o hindi? Ganun ba sila kapamilyar sa mga mukha dito? Ayos ah.
I just ignored my way through them. Mag-aalas nuebe na ng umaga nang may nakita akong babaeng umiiyak. Tumakbo siya papasok sa isang comfort room malapit sa basketball court. I didn't see her face, but I know she was crying. "Ano'ng nangyari dun?" Pinagtitinginan siya ng mga tao, pero tila parang walang may balak na tulungan siya.
"No, Kai, don't do it. Invisible, 'di ba?" Feeling worried and a little curious, I followed her. "Dear Lord, why did I make my intrusive thoughts win?" I hear soft sobs inside the cubicle. Kakatukin ko sana siya, pero may mga babaeng biglang lumabas sa isa pang cubicle. Oh, God, were they kissing? Ang pupula ng labi, at yung isang babae, nakahawak sa pwetan ng isa pang estudyante. Ang lalandi.
"Miss," Kinatok ko ang pinto. "...miss, okay ka lang?" Hindi siya sumasagot. "Ito, o, pamunas." Tumingkayad ako para isabit sa pintuan ang aking panyo. "Gamitin mo na lang, kasi napansin ko kaninang wala kang dalang pamunas sa luha mo." Wala pa ring sumasagot. "Sige, miss, aalis na ako. Ingat ka. Tama na 'yan, ha?"
BINABASA MO ANG
Playboy Mouth (Queen Bee/RaStro)
FanfictionI like kissing new students whose as good as that of an angel before this school turns them into evil spawns.