CHAPTER THIRTY-NINE
K a i
Kapag nagmahal ka, may posibilidad na isang araw, mapapatanong ka na lang ng, "Tama pa rin ba'ng maging kami?" Nasa akin na nga kasi, pinakawalan ko pa, kung 'di naman talaga ako shushunga-shunga. Letse. Badtrip na naman ako sa sarili ko. "Hoy, sagot. Kailangan ko ng kaibigan ngayon."
"Hinintay ka niya noon. It's time to give back the favor. This will test your limits."
"Mahal pa ba niya ako?"
"Hindi ko alam."
"'King ina, ang sakit ha!"
"Mas maganda nang negatibong bagay ang isipin mo kesa mag-assume kang okay ang lahat. Umiwas ka naman sa pasakit, hija. Masyado kang martyr." Pinagaan ang loob ko tapos biglang babanat ng, "Nagpabaya ka, eh, kaya wala kang karapatan para maging optimistic. Real talk." Magsasalita sana ako pero inunahan ako ni Mason. "Pero mas nagpaka-martyr siya sa'yo, kaya magtiis ka. Ginusto mo 'to, eh, 'di ba?"
"Oo na, oo na, 'tang ina ah?"
"I'm just being realistic here, my friend."
"I know, pero sa tingin mo, nami-miss rin kaya niya ako? Kasi ako... sobra. Sobra ko siyang miss." I miss the way she annoys me, does stupid things just to make me laugh, and the way she kisses me slowly and passionately. I miss her warmth. I miss everything about her. I miss her. I miss us.
"Kung miss ka niya, dapat niyakap ka niya agad nang muli kayong nagkita, pero hindi, eh. Sad life."
"Masakit ka magsalita, bro. Um, should I move on?"
"That's a rhetorical question, Kai."
"Should I give up?"
"Did she give up on you?"
"Right." Malapit nang matapos ang pinapagawa sa akin ng aking kapatid pero ni anino ni Ice hindi ko man lang masilayan. Nang kanyang malaman na ako ang kanyang magiging kapitbahay, bigla na lang siyang 'di nagpakita. Umalis siya at wala na yatang balak bumalik.
"Kelan kaya babalik 'yun? Ilang buwan na rin ang nagdaan mula nang makita natin siya nina ate Paris."
"Oo nga, eh. Wala pa rin ba?" Tanong ko kay Mason. Nasa likuran kasi ako, nagyoyosi. Tensed ako ngayon, actually mula kanina pang umaga, at hindi ko alam kung bakit. "Wala na bang balak bumalik babaeng 'yun? Putang ina, badtrip na ako ah."
"Baka mas badtrip siya sa'yo kaya iniinis ka niya."
"Mason, magkakampi tayo, 'di ba?"
"Well, oo, and at the same time, nagpapakatotoo lang." I adjusted myself so Mason can sit beside me. "Eh, hindi ba ginawa mo rin 'to sa kanya? Ang sakit, 'di ba?" Damn, I never thought it would hurt this much. I thought I can survive. Hindi ko pala talaga kaya. "What will you do kung sakaling makita mo siya ulit? Lulunukin mo ba ang pride mo to get her back?"
"Ma-pride ba ako?"
"Sobra."
"Pa'no mo naman nasabi?"
"Dapat iniintindi ka lagi, pero ikaw, hindi mo alam kung ga'no siya nasasaktan sa mga pinaggagagawa mo."
"Ah, gano'n ba?"
BINABASA MO ANG
Playboy Mouth (Queen Bee/RaStro)
FanfictionI like kissing new students whose as good as that of an angel before this school turns them into evil spawns.