Abducted

8.4K 294 14
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

K a i

Malayo pa man, nakikita ko nang nakangiti ang aking kapatid. "Sino'ng naghatid sa'yo?" Tanong niya. I'm sure alam niya kung sino, gusto lang akong asarin. Hobby kasi 'to ng ate ko, ang inisin ako.

Makasagot na nga lang, "Ex ko."

"Bilis mo talagang magpatawad," I was expecting a different reaction, but this is what I got today, so. "Sana pinatagal mo naman kahit konte."

"You didn't threaten her, did you?"

"Of course not, little sister." Paris giggles, walking shoulder to shoulder with me. Halatado namang tinakot niya ang ex-girlfriend ko. Hinayaan ko na lang kasi alam kong magde-deny lang 'yan. "Oh, man, does this place take you back in time?" Ayan na naman, nagsisimula na namang mang-asar 'tong kapatid ko. Sheesh. "May naaalala ka bang nangyaring landian at kakornihan sa airport na ito, Kai?" Paris chews a gum, mocking me. "Ay, sorry, bigla mo tuloy naalala si Ice. Shit, wait, 'di naman siya nawawala sa isipan mo, eh, 'di ba?"

"Tigilan mo ako, Paris."

"Ikaw talaga, wala naman kasing masama kung ma-miss mo siya ng sobra."

"Lahat ng sobra masama, ate, kaya tignan mo ako, sobrang na-in love kay Ice, tapos ikaw din kay Victoria, o, kamusta naman tayo ngayon?" Binilisan ko na ang paglalakad ngunit habang paakyat na kami sa escalator ay bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla akong mag-imagine na nakatayo si Ice sa dulo nitong sinasakyan namin, gaya ng nangyari noon. "Fuck," I shook my head twice. "...I'm having love dementia." Oh, look, I just coined a term. Now, it's gonna cling to me forever. Great.

"Daydreaming, baby sis?"

"No."

"Mhmm."

"Can we just get on to the plane? Gusto ko nang matulog, Paris. I'm tired."

Ang hindi ko alam, nakatayo na lang pala ako sa pwesto kung saan ako kinutubang may ibang mangyayari sa araw na 'yun. Dito ko nakita yung kalokohang nakapaskil. "Akala ko ba nagmamadali ka?"

"'Eto na nga, oh, 'di ba?"

Agad naman akong naglakad ng mabilis habang unti-unting inaalala ang lahat. Sa airport kasi na ito, may sarili kaming jet papuntang Bulgaria. "Walk it off, Kai. Mamaya, bigla kang umiyak dyan ha." I followed my sister and our bodyguards towards the plane. "Drink this. Maganda ang tama nito habang nagdadrama ka," Ika ni Paris at ibinaba ang botelya ng alak, yelo at shot glass sa lamesa. "Cheers for our stupidity over love."

"Deserve mo talaga ng best ate award, bilib na'ko," Paasar kong sinabi habang nilalagyan ng laman ang aking baso. "Teka, bakit nga pala tayo uuwi?"

"May kailangan lang akong i-meet. Utos ni daddy, eh."

"Ah, ganun ba?"

"Oo. Isang Filipino-Russian family, na kasama nating uuwi sa Pilipinas. Papasyal daw sila doon sa atin."

"Ba't kailangan pang sunduin?"

"Ewan ko kay dad. At isa pa, ipinasama ka niya para daw makapagbakasyon ka naman." My sister nudged me as my eyesight gets glued to an airplane. "You need a long vacay, sis. Too bad, limang araw lang tayo sa Sunny Beach."

Playboy Mouth (Queen Bee/RaStro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon