PROLOUGE
Masarap sa feeling ang magkaroon ng lovelife. Akalain nyo yun? Lumalablayp na ko. Haha. Sino bang ayaw? Lahat kaya gusto ng lovelife, hindi pa lang talaga nila time.
Ayun nga, dumating ang lalaking nagpatibok sa puso ko. Nung una, ang saya ko kasi nga diba ang sarap sa feeling ng may boyfriend. Ayun, everyday kilig, wagas na nga minsan eh. Nilanggam na kami sa sobrang kasweetan.
Pero habang tumatagal, para atang pumapait ang dating ubod ng tamis naming relasyon. Hindi man namin sadyaing mag away, nag aaway na kami kahit sa sobrang liit lang na mga bagay.
Akala ko dati, talagang normal lang yun sa isang relasyon, na ang isang healthy na relationship ay may kasamang awayan, pero bakit ganun? Pag nagkikita na kami, may iba na. Unti-unting nawawala ang spark samin.
Hindi ko na nga maintindihan minsan eh, hindi lang minsan, palagi na. Parang hindi na sya yung taong minahal ko ng lubos. Panaginip lang ba talaga yun?
At dumating ang araw na dumurog sa puso ko, ang araw na naghiwalay kami. At alam nyo kung ano ang rason? Kasi hindi daw ako sapat sa kanya. Ang sakit sa pride nun. Hindi na ako sapat sa kanya? Eh ano pala yung sasapat sa kanya? Kulang pa ba yung pagmamahal ko?
Hindi ko matanggap sa sarili ko na iniwan nya na ko, pero kailangan kong tanggapin kahit ang sakit sakit, tagos sa buto yung sakit. Daig ko pa ang nasagasaan at nabaldado. Ganun kasakit. Hindi ako makakain.
Pero napag isip isip ko, mali na tong ginagawa ko. Araw araw kong binibusy ang sarili ko hanggang sa nakapag move on. Tama, nakapag move on. Sa una hindi madali pero kalaunan, wala na yung sakit.
Gusto nyo bang malaman kung ano ang nangyari sa lovelife ko dati? Eto ikekwento ko sa inyo.
(A/N: Okay lang ba yung prolouge? Hindi po ba masayadong mahaba? Anyway, pure fiction po ito, wag nyo pong seseryosohin ha. Happy Reading! :) )
BINABASA MO ANG
Lost Love
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Eh ang masaktan? Ito ay isang kwento ng paghahanap ng pagmamahal, kung pano nasaktan at bumangon pagkatapos. Her Lost Love...